Piece Of Advice

Hi mga momshie, 8 months pregnant na po ako and meron po kasi akong iniisip na nagpapabigat ng loob ko. I just want to share po para maibsan yung guilt na nararamdaman ko and sana pag nabasa niyo and may opinion kayo sana po sabihin niyo? Bale last 2 months bnigay na ng company ko yung maternity benefit ko sa Sss. 30k po sya mahigit. Nung una ayoko pa galawin tlaga yung pera gusto ko ilaan lahat sa panganganak ko. Iba pa po yung tinabi namin na 13th month naming dalawa ng partner ko. Pero naisip ko kasi sobrang dami naming kulang na gamit sa bahay. So unti onti namili ako. Ngrerent lang po kasi kami ng partner ko at nagalaw ko na nga din yung pera dahil di na ako pumapasok sa trabaho so wala akong sahod. Andun yun feeling na ayaw kong galawin kasi what if ma short kami pagpanganak ko. Pero naisip ko din nmam kasi na pag lumabas na si baby mahihirapan na kami mkabili ng mga gamit. Kasi as in maraming kulang. Mula sa mga gamit pangkusina at iba pa pati po mga gamit ni baby nabili ko gamit yung pera. Good thing nman po na araw araw ko nkikita yung mga pinagkagastusan ko. Katwiran ko sa sarili ko hindi ko nman kasi winaldas. Ibinili ko nman ng bagay na pkikinabangan namin at ni baby. Pati pang vitamins ko at check up, laboratoty lahat lahat. Lalo na pag hindi pa sahod ng partner ko. At nagulat na lang ako isang araw na 11k mahigit nlang siya. At yung nagpapabigat ng loob ko gusto ko bumili ng phone dahil wala akong sarili ko. Sa partner ko po yung gamit ko so pumapasok sya sa trabaho na walang dalang phone. So umorder po ako online ng phone, hindi nman po sya msyadong mahal. Wala po kasi kaming communication so pano pag nanganak ako, iniisip ko pano ko sya kokontakin. Naguguilty po ako. Andun yung feeling na iniisip kong pera yun dapat para sa anak ko eh bakit ibibili ko ng phone? Tapos yung isang side naman ng isip ko nagsasabi na okay lang yan kasi sasahod pa nman partner mo (nagtatabi din po kasi ako kahit paano mula sa sahod niya) at may philhealth naman ako na mkakabawas sa bill namin. So ano pong tingin niyo sa ginawa ko? Sobrang sama ko na po ba dahil dun. Sana mapansin niyo po to. Salamat.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

medyo malaki po nabawas sa 30k kung gamit lang ni baby ang naiawas mamsh 😅

Related Articles