EDD April 7 (39 weeks tomorrow)

Hi mga momshie, 39 weeks na po ako and still paudlot-udlot ang pain. Hindi po ako makapaglakad-lakad sa labas gawa ng bawal dahil sa lockdown. Umiinom na rin ako ng pineapple, squatting and at the same time pero still no continues pain. Any tips mga momshie. Lapit na kasi edd ko and medyo worry na rin. Thank you

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

39th week ko na din mamsh. No signs of labor pa. I feel you. Worried din ako dahil naka ECQ, no transpo tapos close yung clinic ng OB ko. Di pa ako na IE. Akyat baba ako sa hagdan ng bahay tapos gawa household chores. Kumakain din pinya. Pero wala. Si partner na sa kabilang city pa, hindi kmi maka meet dahil sa ECQ. Probably hindi kmi magkikita until matapos yung quarantine, which is few days after my due date.

Magbasa pa
5y ago

Same here momsh . Di parin na IE . PRAY nlang tayo momsh .

VIP Member

Same tayo ng EDD sis. Nung check up ko nung friday 2cm na ko nung i ie then ngttake na ko ng evening primrose then knabukasan brown discharge na. Walking then squating pag morning then walking sa hapon. today sis my lumalabas labas na skin na parang tubig pero pastop stop. nagggeneral cleaning na nga ako ng mapagod at lumabas na si baby😂 Pero d pa din sumasakit tyan ko.tumitigas lang

Magbasa pa

Wala pa yan sis, false labor pa yan. Sabi ng ob ko pag tuloy tuloy yung sakit every 40-60 seconds or more tapos yung interval ng pain ay regular 5 to 10 mins tapos sabay sakit sa balakang mo, mag ready kana. Punta kana agad sa hospital. Sana na katulong sayo. Kaya mo yan sis pray ka lang. Goodluck sa Inyo ni baby mo. 🙏🙏🙏

Magbasa pa
5y ago

Salamat sis, wala pa nga to kasi dipa as in tuloy tuloy. Sana talaga makaraos na

Hindi po ba kayo pinainum ng ob nyu ngprimerose oil in your 38 weeks after a week na inumin mo sa ika pang 39 weeks mo makakramdam kna ng labor pagdugo at pagsakit puson at balakang, because of the effect of the medicine pinanipis nya ang cervix para mas mabilis kang manganak at lumabas ang baby

5y ago

Yes momsh, pinainom na rin ako. Waiting nalang talaga sa active labor

Relax lang mamsh, last week 38wks pa ko close cervix pa. Pang 39wks ko nung Saturday, 1cm dilated na as per midwife.. Sabi lalabas naman daw si baby pag time nya na.. kaya waiting lang ako. Think of happy thoughts lang.. All is well 👍

5y ago

In Jesus name, makaraos na sana talaga tayo😊

Sakin din dati mamsh. No signs of labor hanggang nag 40 weeks na wala pa rin masakit. Pumutok panubigan ko saktong 40 weeks at wala pa rin masakit. Ginawa ko non lakad lang paikot ikot sa bahay tapos squat then pineapple juice.

Same here 38 wks and 3 days sana manganak na 🥺 akyat baba, squat at nalibot ko na buong sulok ng bahay namin wala pa rn. Sguro hndi ko na lang madaliin si baby lumabas haha. Pero naiinip na ko gsto ko na sya makita hays

Umiinom ka ba mamsh ng evening primrose? Sakin nung kinakabahan na ko kasi s utz april 5 sa lmp ko nman march 21. 3x a day ako nainom nun tapos pinya, sex at squatting. Sabi kasi semen will help para lumambot ung cervix

5y ago

Nanganak na ko march 26

VIP Member

Same here sis 39weeks and 3days pero no sign of labor parin... Nakapagtake nadin aq ng primrose oil 1week kaso no effect... Duedate q na sa 03 wala parin akong nararamdamang sign of labor'...

5y ago

Oo sis baby boy kaya mukhang aabot oh lalagpas pa sa duedate ang labas ni baby'... Pero sav ng ob q pag hindi aq naglabor ng duedate q... Kinabukasan mag paadmit na aq for cs... 😭 ayaw q pa nmang macs

Inom ka momsh ng evening primerose tapos sabayan mo ng pineapple itlog very effective tapos kung di ka makalabas para mag lakad pwede naman sa bahay kahit paikot ikot ka lang