Trauma sa OB Ward
Hi mga momshees.. medyo sad itong post ko so pasensha na po sa mga ma-offend if ever. After 2nd day ng manganak ako, sa OB Ward ako napunta kasi walang available na regular rooms. Natrauma yata ako. Andaming maliliit na ipis dun sa ward. Walang aircon, kanya-kanyang pamaypay. Tapos ang mga pasyente sharing sa isang hospital bed 3-4 mothers plus yung babies nila. Ratio ng CR to patient is 1:40. Di ako nakatagal. Overnight di ako nakatulog ksi binabantayan ko si baby. Nagka-depression ako. Pinilit ko talaga asawa ko na gumawa ng paraan para di na kami magtagal pa dun ng 1 pang araw. Til now na ilang buwan na nakalipas, parang paranoid ako kapag may magaspang, feeling ko may insekto pero wala naman. Feeling ko may maliliit na insekto na kumakagat sa akin. Trauma nga ba ito?