Recovery room

Any thoughts po regarding mga rooms after manganak? I’m contemplating kasi whether to get a private room or semi (or mag ward na lang) since hindi naman magtatagal sa hospital at wala namang hospital yata na papayag magka-visitor. Plus, ang mahal ng fee ngayon ng mga hospital kahit NSD ka.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nanganak ako last 2 weeks ago, CS naman. Mas okay ang private talaga if may budget kasi ang sakit ng recovery. Si partner lang ang nakakakita at nakakarinig ng daing ko sa sakit. Hahaha. Sa hospital na pinanganakan ko, pwede dalawang bantay (if private room) and pumapayag sila ng visitors. Maximum of 2 rin.

Magbasa pa

nanganak ako sis august 5. naka semi private ako. 2 beds lang sa isang room. pero since pandemic daw, di na dw pinupuno ang rooms para may social distancing. so ung semi private room ko, parang private sya kasi solo ko lang. 😅

VIP Member

Ako nun mommy, nag semi-private ako. 1 lang ang pwedeng bantay, hubby ko lang. Ganun ata talaga ngayon sa hospital kasi gawa ng pandemic. Pero for me mas safe yung solo mo yung room kesa sa ward na may iba kang kasama.

hi momsh, cs ako last sept.11 lang private hospital.then ang kinuha ni hubby is private room.mas oks at safe for social distancing with other patients.if my pera nmn go muna ang private room for safety nyo ni baby

Try niyo po ask mommy kung ilan or pwede ba visitor. Kasi yung OB ko ininform nako pag ward 1 lang po pwede kasama, pag private naman po 2 daw po pwede. Pero baka depende po kung saang ospital kayo.

Private room mas safe & makaka kilos pa kayo ng maayos ng hubby mo. need mo magrest pati na si baby kaya mas maganda kung solo nyo yung room para wala maingay

depende sa budget mo. ang ward sa private hospital ng normal ranging ngayon sa 60-70k.

Try niyo na din po ask yung rate kung magkano po pag NSD or CS.

depende po sa budget nyo kung kaya nyo naman po mag private