paano paikutin ang breech baby?

Mga momsh tips naman jan para umikot na c baby, 6mons na tyan ku pero suhi parin c baby ? d kasi makita gender e, gusto na namin malaman if ano gender. Thanks

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung 5 months ako breech din si baby pero nung pagtungtong ko ng 6 months cephalic position na siya. simula kasi nung nalaman ko na breech position siya ginawa ko lahat ng magagawa ko para maging cephalic position siya. lagay ka ng sounds sa bandang puson mo then flashlight din sa bandang puson mo tapos haplusin mo tyan mo clockwise, effective sakin baka sakaling makatulong din sayo☺️ Good luck mommy hehe

Magbasa pa

Same tayo mamsh, nung katapusan ng feb ako nagpa ultrasound and breech sya 6 months na tyan ko nun kaya di nakita gender nya. Kaya magpapaultrasound nalang ulit kami sa katapusan ng march, sa ngayon muna bumibili bili kami ng mga essentials at white cloth ni baby at nag iipon din para sa pagkapanganak. Try mong unti untiin yung gamit nya at lagi kayong magpatugtog sa umaga sa baba ng puson mo at left side matulog.

Magbasa pa

Wag po mag worry maliit pa si baby at marami pa space sa tummy kaya iikot pa po sya. Ganyan din po ako nung 6mons palang si baby, ngworry rin ako. Pero now 33weeks na, nakapwesto na si baby. 😁 Lakad lakad ka and tayo ka rin, let the gravity do its magic. Technically mabigat ang ulo ng baby kesa sa pwet kaya iikot sya pagnakatayo or madalas ka maglakad. Good luck!

Magbasa pa

37weeks ECS ako Sa kadahilan na suhi si baby ko Simula 5months sya sa tummy ko suhi padin sya hanggang ECS na nga ako Sabi nila iikot pa kapag nag patugtug sa may bandang puson at maglakad lakad Pero hindi nama umikot si baby Nasa baby siguro talaga yan kung iikot sila o hindi Ngayun mag 5months na sa january 23 baby ko😊

Magbasa pa
VIP Member

Nung sakin naman po 20weeks palang naka breech baby ko nakita naman agad ang gender. Anyway, kausapin mo po lage si baby mamsh then patugtugan mo po sa may bandang puson samahan mo naren po ng prayer effective sya saken kase nung 26weeks ako naka cephalic na sya up to now.😊

Sa akin 6mos breech c baby ... ang ginawa ko pinapailawan ko ng flash light pataas hanggang puson tapos pag hinaplos ko paikot at paringgan mo ng music sa bandang puson at kausap kausapin mo din mommy ..ngaun nakaraos na ako NORMAL delivery ....☺☺☺

Feeling ko majority ng 6mos breech talaga e. Sakin din kase ganyan pati yung sa friend ko. Pero pagdating ng 7mos cephalic na din sya. Try mo nalang din yung sinasabi ng iba, play ka ng music sa bandang puson or ilawan mo si baby para sundan nya yung light.

VIP Member

Same situation po tayo maam. 6 months din sakin at Kakapacheck up ko lang noong march 6 din at ang sabi ng OB ko nasa taas daw ang ulo. Tinanong ko if anong gagawin pero ang sabi naman ay damihan ko lang daw po uminum ng tubig at iikot pa naman daw po.

tiwala lang sis iikot din po yan ganyan din po ako nag paultrasound ako 20weeks breech position pa sya. then ang gnwa ko tnapatan ko lang ng music/baby songs sa bandang baba ng puson ko aftr nun umikot na si baby nung nag paultrasound na ako ng 32weeks😊

VIP Member

sa akin advice ng ob ko nung breech si baby nung 6months ako.. pag daw gumagalaw si baby maglakadlakad ka.. effective nman sa akin.. now mag 8months nko nka position na sya.. hindi kc nging effective sa akin ung music and ilawan sa bandang puson..