Black mucus in baby poop

Hi mga momsh. Tatanong ko lang po sana kung may nakaexperience po ng ganito. Kahapon po kasi nabakunahan si baby ng last dose ng penta, polio at IPV. Paguwi sa bahay pinaliguan ko po sya pero mabilis lang na ligo since galing kaming center and wala nan syang lagnat. Nung gabi tsaka sya nilagnat (38.1) so pinainom ko ng tempra hanggang sa mawala na lagnat nya ngayon umaga pero di ko muna sya niliguan, hilamos lang muna. Normal naman na ung temp nya between 36.8-37.2. Kaso nagpoop sya kanina ganito ung itsura. Normal poop nya kasi mustard color kaso ung ngayon medyo dark mustard na may parang slimy black. Nakakaworry po kasi. Pure breastfeed po sya. 1st time mom here. Balak ko po ipapedia na sya bukas if may lagnat pa din.

Black mucus in baby poop
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Normal lang po na lagnatin siya due to vaccine..but I'm not quite sure po dun sa black mucus sa poop ni baby.. Never ko po naexperience yan sa baby ko.. Binigyan din po ba siya ng oral polio vaccine mommy? Try niyo po munang iobserve mommy.. Kung uulit po ulit.. Then consult your pedia😊

3y ago

Hi momsh, yes binigyan din sya ng oral polio. Nagpoop sya ulit, may konti pa din na black. Pero kinabukasan okay naman na. Thanks po sa reply ☺️