Mga momsh. May tanong lang ako, need ko ba masanay na lagi tinatawag si lo sa side ni na batang Mataray? Gumawa ako ng fb nya. Mostly sa side ni lip ung mga tag sa fb ni Lo. With Batang Mataray. Sa comment sa picture, Batang Mataray. Pero sa mga pinsanan nya sa Papa. Ang mga comment Batang Mabait, batang Makulit.
Di naman sya tinatawag ganyan before, nagpauso ng ganun ung Ante (tita) ni lip pag si lo tinatawag laging batang Mataray pag sa mga apo nya, Batang Maganda, Batang Makulit.
Gang sa dumating na sa point na umiiyak si lo, nagtatanong ano daw ba ang mataray, kahit ako nahihirapan mag explain kasi para sakin Negative word ang pagiging mataray.
Kasi sa side namin di kami mahilig sa mga ganyan Tag, Ayoko nang ganon, sinasabihan lang ako ni lip na need ko daw masanay. Parang gusto ko na lang i deactivate fb ni lo.