Tortured emotionally and physically

Mga momsh sobrang sakit at sama ng loob ko. Please take time to read and give me advice. Nakilala ko ung partner ko sa fb. Mga one month po bago kami ngkita okay kami hndi ko pa alam na nananakit sya. And lahat ng luho nya bnbgay ko 😭😭 lahat ng hiningi nya bnbgay ko. Araw araw na Load at skin sa ML. Dumating ung March na bumisita ako sknila nalockdown na ako then dun nalaman kong buntis ako. Dun narin nagumpisa na saktan nya ako physically kht buntis ako Sinasapak and pinapadugo nya ung bibig ko pinagaawayan namin ung ML ung mga kalaro nya doon na babae. Kpag nhuli ko sya di sya aamin hanggang mag hysterical ako ng sobra sobra dun nya ako ssktan wc is ksi ayaw nyang umamin. Pagkatpos nyang gawin un magsosorry sya pero uulitin nya prin. Buntis na ako 3months ung mga pagkain na pinaglilihian ko dko makain kasi sobrang hirap ng buhay nila. Mkakain lng ako ng gsto ko kpag papadalahan ako ng family ko. hndi ako mkauwi saamin kasi ecq 😭😭😭 Ung partner ko po is walang work batugan puro ML po sya ttulog ng 5am ggising nang 1pm. March April May June lahat ng buwan na yan nkakatikim ako sknya. My time pa na mgssumbong ako sa pulis ikukulong nya ako itatago nya ung cellphone ko. Babasagin nya hanggang sa wala na akong magamit 😭😭😭 Babae pinagaawayan namin. Until this june12 nagalit na ako kasi araw araw nang nag iinom tapos mababasa ko nnman na may kausao nnman syang babae 😭😭 hinagis ko ung cellphone nya! At tlagang sinigawan ko sya hanggang sa sinuntok nya ung mukha ko nagkablackeye ako. Doon na ako ngkaroon ng lakas ng loob umalis. Nakituloy ako sa kamaganak ko wc is mejo malayo rin. Hndi pa ako mkauwi sa family ko kasi walang ssakyan 😭😭😭 3 days muna ako sakamaganak bago nkahanap ng sasakyan pauwi saamin. Dumating ung ilang araw walang chat or txt ung partner ko. Tapos malalaman ko sa pinsa nya may kachat syang babae na gagawa daw silang scandal dalawa. Sobrang saki mga sis 😭💔💔 hndi ko na sya ginulo pa or ano pa man. Hanggang sa dumating ung araw na nagchat sya nkikipagayos binigyan ko sya ng chance maayos kami pero araw araw nya akong sinasabihan na malandi pa*yot maraming kachat. Mga sis pagod na pagod na ako sa sistemang ganon 19weeks na ung baby ko ngayon at super stress na ako 😭😭😭😭 please i need advice kung dpat ko na bang tapusin tlaga ung saamin nung partner ko

380 Replies

Naku sis pag ganyan nananakit iniiwan na yan Dapat sa una palang iniwanan mo na. Tska batugan naman pala ng bongga wala kang future dyan. Ang gawin mo isipin mo nalang kayong mag ina.

Sorry ha pero grabe wala kang awa sa sarili mo, bigay2 ka pa ng chance eh physical abuse na yang ginagawa sayo. Kasi kung ako iiwan ko yan di nako magpapaka tanga katulad mo 🙃

Kelan mo lang nakilala yang lalaki. nabuhay ka nga ng ulang taon. it's para mahalin at respetuhin mo sarili mo. hndi ka pinanganak ng nanay mo para tratuhing hayop ng part er mo

magising k para sa sarili mo at maawa.kung patuloy kng mgpapakatanga sorry pero dapat kang manindigan para sa sarili mo.desisyon mo pa rin ang masusunod pero maawa ka sa sarili moo

hayaan muna yuj. ang isipin mo yung kalagayan niyo ng baby mo. mga gnyang lalake walang kwenta. mag libang libang ka wag mong isipin ung lalake na yan,. di yan healthy sa baby mo.

VIP Member

Patulfo mo sis .. mga ganyan klaseng lalaki dapat binibigyan ng leksyon. walang kwenta yan. gagong lalaki yan. naiinis ako sa mga gnagawa nya sayo .. wag mo ma bigyan ng chance.

naku po ipatulfo muna yan, salbahe pala yanh partner mo, tsaka kayanin mo para sa baby mo, anjan naman yung pamilya mo na handang tumulong sayo, wag kana bumalik sa partner mo

Mommy isipin nio n lng po baby nio. Hindi yan matinong lalaki..wlang lalaki na nanakit ng babae...buntis n kayu sinasktan pa kau..pa help ka nlng po sa family nio na makauwe.

Let go of that relationship Mamsh! Delikado yan... Physical ,mental and emotional abused. Kaya niyo ni baby yan mommy! Hindi mo sya deserve lalo na maging ama ng anak mo.

kapag sinasaktan kayo ng mga partners nyo kga mommies iwan nyo na please ☹️ wag nyo ng hintayin na makita pa ng mga magiging anak nyo yung pananakit nilansa inyo☹️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles