Patchot Chay profile icon
PlatinumPlatinum

Patchot Chay, Philippines

VIP Member

About Patchot Chay

First time Mom ?

My Orders
Posts(9)
Replies(170)
Articles(0)

TAP After Dark

Marami akong ghost stories kasi since high school ako til college nakakaranas na ako ng kababalaghan. Dahil yun sa pag open ng third eye ko. So, here's my creepiest story. Nung college ako, sumali ako sa dance troupe ng school at timing that time, malapit na ang palaro namin. Since, alam ng buong department na kabilang ako sa dance troupe kaya ayun required akong sumali sa team namin para sa cheerdance. Habang paparating na ung palaro, always na ung praktis namin kaya ako nakikitulog sa bhouse ng kaklase ko. So, ito na nga .. Nung umuwi na kasi sa bhouse ng classmate ko, gabi na nun around 10pm. Dahil pawis kami galing praktis, nahalfbath kami. Eh ako ung naiwan kasi ako ung nahuli dahil na din sa pinauna ung ibang borders. Nung mag 11:30 na, tinatawag na ako ng classmate ko sa loob ng banyo, dalian ko na daw. eh nagpopoop pa ako 😅 paglabas ko, wala na sya. tahimik na ang lahat. so ako, deadma lang .. kasi iniisip ko na tulog na sila. nung papasok na ako sa kwarto ng classmate ko, humina ung sindi ng ilaw. bago ka pa makapasok sa kwarto, dadaan ka pa sa may kusina na .. so un, pag padaan ko sa kusina, may nahagip ako na babae. deadma lang ako. iniisip ko wala lang yun. blurred ung vision ko eh. so nung papalapit na ako sa kwarto, nakikita ko na na papalit na sa akin ung babae. huminto ako. at yun nakita ko, mahaba ang buhok. nakalutang sa hangin. walang mukha. nakabistida ng puti at may kadena ang leeg. hindi ako umimik. nakatingin ako habang dumadaan sya sa harapan ko. tumutulo ang luha ko at nanlalamig ako. mga 5 mins tapos syang dumaan saka pa ako nakagalaw at napatakbo ako sa kwarto ng classmate ko. So yun, sabi ng classmate ko at boardmate nya .. ganung oras daw dumadaan ung babae dun sa may kusina. Sabi ng may ari, nagpakamatay daw un. Estudyante daw un na nabuntis at iniwan ng jowa nya, di kinaya kaya nagpakamatay. Di naman daw nang aano dumadaan lang daw talaga sya ng ganung oras. After nun di na ako natulog dun. 😅😅😅 Yun lang ..

Read more
Super Mum
 profile icon
Write a reply