Mommy. Kelangan kilalanin mo muna yung makakasama mo. If sinaktan ka siguradong may kasunod ulit yun. Hihingi ng sorry kuno. Pero kapag nagalit nanaman yan nanaman. Maginv matapang ka. Kelangan manindigan ka para sa sarili mo. Baka mamaya pati anak nyo saktan nya.. marami single moms na mas umaasenso sa panahon ngayun dahil ang focus nila mga anak nila..
Indeed. Iwan mo na yang ganyang tao, di healthy sainyo ni baby most esp yung mental and physical health mo/nyo. Ipagpasa-Diyos mo nlng yang ganyang tao. Sapat na ung nararamdaman mo unang pa lang, grabe ka na nyang in-neglected. Hayaan mong karma ang kumilos para sakanya basta ang mahalaga ikaw at ang baby mo okay. Malayo sa ganyang pagiisip na tao. Walang silbi.
momsh isang beses ka palang saktan ng lalaki, lumayo ka na.. di lang sakit ng katawan at puso ang dulot ng domestic violence.. may mga cases po na kapag nakawala ka na sa relasyon na yan, subconciously, hahanap ka ng lalaki na katulad niya na nananakit din at yun ang mas nakakatakot. habang maaga kumawala ka na po. baka mamaya pati anak nio bugbugin din nya.
Move on na sis. Sa simula pa lang na sinaktan ka nya sign na yun na toxic bf sya. Dapat di sinasaktan ang buntis, kawawa si baby na stress din yan. Balik ka na lang sa parents mo. Wag mo na sya balikan ever. Ipablotter mo na din baka kase kung ano pa gawin nyan sayo. Base sa kwento mo wala naman syang concern sa baby nyo at sayo din, kaya no reason to stay.
yes, mahirap po na maging single mom. but don't you want to be free?. Free yourself from people na hindi ka na tinutulungan sinasaktan ka pa. di mo po siya kailangan mommy. I know that you can do it all by yourself. mga mommy tayo☺️ we are chosen by God for reason, and that is because God saw how strong we are. kaya alam ko po na kaya mo yan☺️
Ate, wag i-sacrifice ang health and safety nyo ni baby. Dapat nga pinapakulong yang ganyang klaseng tao! 😡 pero sa ngayon, isipin mo si baby. Hindi nya deserve ang ganyang klase nang ama. Mas mahalin mo si baby at sarili mo. Ikaw na po nagsabi na paulit ulit yung ginagawa nyang pananakit sayo. Paano kung sa anak mo naman gawin yun in the future? 😔
Mamsh better na wag ka na makipagbalikan kasi baka mapano ka pa kung makikisama ka pa lalo sa case mo na buntis ka.pano pa pag nanganak ka.baka naman pati baby mo saktan din niya.give importance sa srili mo at sa magiging baby mo iwasan mo din ang lagi ma-stress dahil makakasama yan kay baby.praying for your healing emotionally and physically.Godbless.
Sis hiwalayan mo na sya hindi sya deserve para sayo lalo na sa mabubuong fam nyo...ngayon pa nga lang kinakawawa at sinasaktan kana ng sobra how much more kapag pingpatulou nyo pa rel nyo..hindi lang ikaw ang sasaktan nyan sigurado patinna rin yabg magiging baby nyo...hiwalayan mo na po sya hindi lang po ikaw ang magiging single mom..God bless you po
Ayoko ko sanang magsabi ng mga harsh words kaya lang sis hindi ko mapigilan. Ang t*nga mo lang kasi, ba't kpa bumalik sa gag*ng yan?! Ewan mo na yan, tang*na!! He doesn't deserve both you and your baby! Please lang, maawa ka kay baby akala mo ikaw lang nahihirapan? Nahihirapan din si baby dahil lagi kang stressed dahil sa walangyang lalaking yan..
Usong uso na talaga sa mga kabataan ngayun ang gumawa ng bata ng hindi ng-iisip sa kinabukasan ng bata. Ako ay naaawa sa magiging baby mo. Imagine kakakilala mo lang sa facebook? Ngkipag-sex ka agad? Hindi laro2 ang bagay na yan. Isa yang sacred na gawain ng mag-asawa. Panindigan mo yang baby mo. Ikaw lang, huwag kanang magsama ng demonyo.