Kung ako sayo momsh, hayaan mo na yang partner mo kasi paulit ulitin ka lang nang saktan. Anong pipiliin mo lumaki ang anak mo na may tatay nga pero araw araw naman ikaw binubugbug at sinasakatan emotionally and physically. Or mabuhay na lang kayong tahimik ng baby without his dad na batugan? Sis, kaya mo yan. Don't lose hope. Alagaan at focus ka na lang kay baby. Keep safe ❤️
Momsh, please lang. Wag mo ng balikan yan. Sa susunod, hindi lang suntok ang makukuha mo sa kanya. Susunod papatayin na na nyan. Baka din po si baby saktan nya. That is NOT a man. That is a loser. You do not deserve a loser. Your CHILD does NOT deserve a loser for a father. Ipapulis mo yang tarantado na yan para matuto. Pamedico legal ka, lahat na. Stand up for yourself AND your child.
Medyo matagal na ata tong post na to. Ok ka lang ba? Sana by now nahiwalayan mo na yang partner mo, wala kang magandang future diyan at hindi rin niya mamahalin anak niyo. Huwag mong tiisin na binubugbog ka niya he will never change. Siguro bata ka pa, but let this be a lesson to you, huwag kaagad makikipag sex, respetuhin mo sarili mo at maging responsable ka na sa magiging anak mo.
Wag mo na balikan sis. Yes sya tatay ng anak mo kaya mejo mahirap din sa part mo. Pero sa sinasabi mo mukhang may tama sa ulo yang ex bf mo. Wag mo na bigyan ng chance dahil dadating sa point na hindi lang pambubugbog gagawin nyan sayo at huwag mo na din intayin yung time na pati baby mo madamay sa kawalanghiyaan nyan. Nakakagigil yung ganyang lalaki. 😡 Hugsss for you mommy. 😘
una pa lng pag punta mo sa knila nakita mo na sitwasyon nya na wlang trabaho at nag lalaro lng ng ML, lumayo kna. wala na nga syang silbi, sinasaktan kana at binabastos kpa. isipin mo na lng kng gano kasakit pra sa magulang mo na makita ka na ginaganyan ka ng lalaking sinamahan mo. lumayo ka na sa knya, iligtas mo na lng anak mo sa miserableng buhay na ibibigay sayo ng lalaking yan.
Masakit sabihin sayo pero ang bottomline ay kasalanan mo po kung ba’t nangyayari yan sayo. Pinapayagan mo po kasi na mangyari sayo. Pinapayagan mo na saktan ka. Once respect is gone in a relationship, it’s time for you to leave and move on. Mahirap sa umpisa lalo na kung love mo yung tao. Pero piliin mo ang sarili mo. Mas mahalin mo ang sarili mo, lalo na magkakababy ka na. 🙂
i dont think so na magbabago pa yan...since sa pagkaintndi q is nsa family mo na ikaw advice q lng wag kna bblik...okey n kau pero inaayaw k p rin nia sa chat at text...ingat mamsh,kng ikaw nga na while buntis binubugbog pti anak mo bubugbugin din niyan pag lumabas kasi ung gnyang klaseng iresponsableng tao marami pa munang pagdadaanan bago magbago...just saying my opinion...
Advice q lng po sis....pag cnaktan ka magpamedical ka na agad tapos lapit ka sa brgy. Para magpablotter at d na nya mauulit pa ung pananakit nya sau pero kpag inulit pa pwede syang kasuhan na....or else ipatulfo mo po ipakita mo lahat ng ibedensyang meron ka kc promise masosolve yang problema mo ...🤗🤗tutulungan ka pa ni idol..sis daming ganyang reklamo sa tulfo nood ka
Sis... Self inflicted na yan...important satin is self respect and self worth...yang emotions nararamdaman mo towards that guy magbabago pa yan eventually, wag ka masyado padala sa heart mo... Sabi sa bible heart is deceitful. Pray to God that you'll be able to overcome that toxic situation and focus more on him and everything will follow. God bless.
ganyan din yung ex ko nun. akala mo di maka basag pinggan Yun pala may kababalaghan. to the point na kinakawawa ka at sinasaktan emotionally at physical. humanap aq ng paraan para maka alis. kasi tingin ng iba sa kanya Santo yun pala NASA loob ang kulo. kaya ikaw let go na kasi di yan magbabago pag pinag bigyan mo. ipakita mo na kaya mo mag isa. be strong for the baby