UTI
Mga momsh sobrang nagwoworry po ako ngayon. I'm 32w and 1day pregnant and kakakuha ko lang result ng laboratory ko and I found out na may UTI pa rin ako. Nag take na ko antibiotic for 1 week before and pinarepeat lab ako and ayan may UTI pa rin ? sa May 8 pa scheduled check up ko, can't wait na gusto ko na marinig advice ni ob. Di ako ngwoworry sa sarili ko, mas nagwoworry ako sa baby ko, sana hindi sya mahawa. ???
More water and buko juice momsh, since grade 6 may UTI na ako, and nung napreggy ako nagka UTI din ako sa Sobrang lala na ng UTI ko mataas na antibiotic na pinainom sakin ni OB yung one time inom lang kaya lang pricey siya pero super effective may nakita na din ako dito sa app na ganun ang reseta sa kanila ng ob nila kasi mas safe daw yun kesa sa 7 day takes, ask mo din ob mo if okay ka bang uminom nung one time antibiotic na monurol kasi dun nawala UTI ko nung preggy ako, kakapanganak ko lang nung April 20 😊
Magbasa paWorrying will not help sis.. hehe bka lalong mapano anak mo. Research about UTI at paano nakukuha. Bka meron sa lifestyle mo na mas naeexpose ka to have it.. na pwedeng dahilan kaya Pabalik balik UTI, khit Kasi mag gamot ka Kung mahilig ka sa maalat, konti k uminom tubig, hygiene Kung pano ka mag hugas.. e ganun pa rin balewala Po Yung gamutan.ulit ulit lng..
Magbasa paOo nga sis eh kahit di ako uhaw iinom ako makarami lang hehe. Sa May 8 pa check up ko kaso nagsabi na ko na bukas punta na ko clinic, worried na ko para sa baby ko eh.
No need to worry po basta continuous po inom mo ng gamot na prescribed ni OB. Ganyan din po ako nung buntis ako. Halos 1 month na hindi nawawala. Every week balik ko sa OB tapos every week din nagpapa urinalysis ako. Mawawala lang po yan basta inum ka ng maraming tubig tapos iwas sa mga maaalat ❤
Magbasa paThank you so much sis ☺️😇
Need gamutin uti mo sis sobrang taas. Nagiging cause ng premature labor ang Uti, agapan mo n po sis. Preseta k na ng antibiotics. Pero kung dati mo p ng tess yan, ipaulit mo ulit ihi mo, umaga ka mgptest ng ihi pra hndi msyado madami bacteria. Baka kc wala kna uti pg ngtest k ulit ng bago,
Inom kang fresh buko sis.. Nkakahelp sya promise.. Yan din turo ng mama ko sa akin.. Nagka uti ako during my 7weeks tpos after 1week pinagtest ako ult wala na.. Tska always wash your pempem every wiwi or kung hndi mkapg wash use feminine wipes.. Effective mamsh :)
Ngwawash naman po ako every after ihi simula nung mabuntis ako until now. Anyway thank you sis ☺️😇
Graveh taas ng uti mu sis, kontakin mu ob mu kasi mahirap n marisk si baby sa infection, drink lots of water, buko juice or cranberry juice.. Bwas ka din sa matatamis sis.. Pag ganyan ktaas bka i admit ka nyan para dun padaanin ung antibiotic n mas mlakas..
One time pa lang nman ako nakapagtake ng antibiotic sis. Kya nga eh bukas punta na ko sa ob ko
Inom po kayo ng madaming tubig. Period. No juice, no soda, tubig lang talaga. 3L per day. Avoid foods na high in salt. Delikado po ang UTI esp. that advance sa pregnancy kasi pwedeng magcause ng contractions. Above all, stay safe po.
Thank you po 😇
Yung sakin mga momsh,di ko alam may uti ba.. spotting ako kaya check up ko sa ob ok nmn daw cervix ko close at sa ultrasound din ok, results sa urinalysis lang di pa nakita ni OB ano sa tingin nyo mga momsh?
Thanks momsh,baka sa stress ko lang yung spotting..
Sis tubig at milk lang inumin mo. Tapos don't use soap/fem wash pag magwawash ka. Warm water lang. Pati po mga panlinis sa inidoro dapat walang nakalagay pag gagamit ka. Any chemicals po.
Maligamgam na tubig lang lagi mo inumin... More and more water iwas sa maalat syempre 8 glasses a day sundin mo ganyan ako eh nawala naman akin taas pa nga jan e 7 mos na din akong preg
mom of our baby boy ❤️