Adrenaline or maybe reflexes lang

Hi mga momsh , share ko lang to sa inyo. Kanina yung pinsan kong ewan e nakainom nanaman at as usuall nagwawala. Pati mga alagang manok namin dinadamay sa pagwawala nya. Nung sinaway ko siya, ako pinagbalingan . Hinamon ako. Sympre buntis ako kaya iwas. Pero lumabas ako sa pinto dahil kakausapin ko sana. Bigla niya ako sinugod may hawak siya kutsara pero baliktad (yung sinusubo yung hawak niya) yung dulo ng kutsara patulis ng unti pero di naman matalim. Ayon napa atras ako. Naisip ko agad yung baby sa tyan ko, napahawak ako sa gilid may nakapa ako na kahoy, dustpan pala. Yun hinampas ko na siya. Nasugatan siya tas nahimatay. Mas mabuti naunahan ko kasi baka ako pa napuruhan kung di ako nakalaban. Mabilis din ako kanina siguro automatic reflex or dahil sa nangyare biglang nagkaron ng adrenaline rush. (yung pinsan ko na to. Pag di naman nakainom. Parang basang sisiw. Tapos tumatapang lang dahil nakainom. Papahuli ko sana sa pulis kaso naawa din ako. Pinablotter ko sa brgy para makausap siya ng brgy and ako ng hindi siya nakainom)

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-2001655)

doble ingat momshie 😊

5y ago

you're welcome 😊