Paano ko sasabihin?

Hi mga momsh. Sa mga katulad ko na maaga nabuntis at the age of 23 yrs old and nag aaral pa. Paano niyo po nasabi sa parents niyo na preggy kayo? Panganay kasi ako sami graduating palang din. Di ko talaga alam paano sasabihin.

75 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same here momshie, 22 years old palang ako and internship ko na sana pero nabuntis and panganay din ako saming tatlong babae na magkakapatid. I was afraid at first kasi syempre nasa akin lahat ng pressure dahil panganay nga and they're expecting me to graduate na next year pero di ako natuloy kasi nabuntis and bawal ang buntis sa internship namin since Physical Therapy student ako, need magbuhat ng patients etc. I kept it for a week lang then pinagisipan ko ng mabuti kung paano ko sasabihin nagipon ako ng lakas and finally nasabi ko din sa kanila na preggy na ako. I thought na magagalit sila and papalayasin na ako pero hindi and now they're so supportive of my pregnancy since single mom na ako kasi iniwan na ako ng papa ng anak ko while I was only 5 weeks preggy. Be honest lang sa parents mo mamshie, no matter naman kasi anak ka pa din nila and matatanggap ka pa din nila. Trust me mamsh, every will be okay and makakahinga ka ng malalalim kapag nasabi mo na sa kanila yung situation mo. Smile lang always para happy si baby. God bless you! 😊

Magbasa pa