Paano ko sasabihin?
Hi mga momsh. Sa mga katulad ko na maaga nabuntis at the age of 23 yrs old and nag aaral pa. Paano niyo po nasabi sa parents niyo na preggy kayo? Panganay kasi ako sami graduating palang din. Di ko talaga alam paano sasabihin.

Same lang tayo. Hindi ko sinabi pero the day palang na nadelay nako. Tinanong nako agad ng nanay ko which is wala akong masagot kasi di ko pa alam. And kung alam ko di ko kayang sabihin. Kaya ayon 2 months na confirm ko and pinaamin nya ako kasi nakikita niya yung mga signs sakin. Mahirap umamin sa part ko kasi nag aaral ako and hindi nila gsto boyfriend ko. Nagalit sila pero at the end of the day sila parin karamay ko. Di ako nagstop sa pag aaral. Sinusuportahan padin nila ako at katuwang sa pagaalagang anak ko. Wag ka matakot. Alam mo sa una lang sila magagalit ng sobra. Pero tanggapin mo lang nagkamali tayo e. God bless
Magbasa pa

