Paano ko sasabihin?
Hi mga momsh. Sa mga katulad ko na maaga nabuntis at the age of 23 yrs old and nag aaral pa. Paano niyo po nasabi sa parents niyo na preggy kayo? Panganay kasi ako sami graduating palang din. Di ko talaga alam paano sasabihin.

23 years old din ako nabuntis but turning 24 that time but I think tama lang yung edad ko nabuntis since graduate na din ako at may work. Yung bf ko nagsabi sa parents ko nagpunta sya sa bahay at kinakabahan talaga ako nun. Syempre medyo emosyonal yung mama ko at yung papa ko naman kalma lang at tinanong kung ano balak namin. Naging okay naman ang lahat after nun ilang weeks lang nag sama na kami sa bahay ng bf ko. Mas maaga sabihin niyo na kasi ako 4 months na ako nung sinabi namin kasi dinedeny ko pa sa sarili ko na buntis ako kung di ko lang naramdaman na may matigas sa ibaba ko. Kakapanganak ko lang nung May 4 malapit na mag 1 month baby ko.
Magbasa pa

