Paano ko sasabihin?
Hi mga momsh. Sa mga katulad ko na maaga nabuntis at the age of 23 yrs old and nag aaral pa. Paano niyo po nasabi sa parents niyo na preggy kayo? Panganay kasi ako sami graduating palang din. Di ko talaga alam paano sasabihin.

Just share my story , 25 years old 3 years ng may work and nagpapagawa ng bahay ng parents ko .Una sa lahat mataas expectation nila sakin since panganay ako ,ako ang unang nakagraduate samin .Way back 12 years na kami ng jowa ko pero tinago namin sa father ko ang relationship namin although alam na niya di kami showy and ayaw siya ng father ko .Nagtuturo ako sa Manila then decided na magsama na kami ng jowa ko before ako umuwi nagPT ako then found out buntis ako .Unang ginawa ko umamin na ako sa nanay ko kasi bilang nanay alam ko maiintindihan niya ako then saka ko sinunod sa tatay ko yung 1st week talaga ang di ko makakalimutan grabe ang galit sakin almost gabi gabi umiinom siya di niya matanggap na ang paborito niyang anak pangarap noyang maging abogado ay nabuntis pero kasama ko ang jowa ko kasi responsable siya.Nung una denial pa ako pero nahalata ng tatay ko amg tyan ko then unti unti kong inamin nagsorry ako pero sinabi ko di pa tapos ang lahat ng pangarap nila sakin .Ngayon tanggap na nila sila pa kasama ko sa pagpapacheck up .Tandaan mo walang magulang na gustong mapahamak ang anak kahit anong mali natin tatanggapin tayo .Ganoon nila tayo kamahal❤.Goodluck
Magbasa pa

