Paternity Leave

Mga momsh pwede ba mag file nang Paternity Leave ang father nang baby ko kahit di pa kami married? Kasi malapit na ko manganak, di parin siya nakakapag file. Ang sabi niya matatapos daw kasi contract niya sa agency niya sa Collabera at kukunin na siya nang Accenture. Sept. 20 daw start date nang contract niya sa Accenture. Ang dami niyang sinasabi na reasons kahit last month ko pa inabot ung Ultrasound ko. Dati ko pa sinabi sa kanya na iinform niya HR nila na pregnant ako. ? If pwede mag file, paano?

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nope mommy dapat kasal kau para makapag file ng leave si husband mo kasi kaylangan ng marriage certificate at birth cert ni baby ,gnun kasi samin noon d pa kami kasal pero nangnak na ako kaya ng maikasal kami nakapag file na sya ng paternal leave buti nga may extension noon yung pag avail nya

Based po dun sa naka usap kong taga sss. Pwede naman kahit di pa married pero depende pa rin sa hr ni partner mo kung iaallowed. Para maging bayad yung paternity nya yung dapat na 105 days na maternity mo mababawasan ng 7 days na magagamit ng partner mo.

5y ago

Yeap true ito.. madalas sa company nag rerequire Ng marriage certificate. Like sa husband ko...

Sa dole 7days paternity kung kela ka nanganak(without pay) then may another 7 days na pternity gling sa employer, di ko lng sure if bayd ung pternity na un. Kahit di ksal pde na mag claim ng paternity. Try to ask the HR ng husband mo.

For married couple lang po. Hindi sya babayaran ng SSS kasi need ng marriage contract. Hindi po un depende sa company kasi sss ang magbabayad nun hindi un company nya. Unless gusto ng company na sila magbayad or unpaid na leave.

ang paternity leave po di pwde advance ifile, kung klan lang po actual n nanganak asawa saka pwde k mgleave ng 1week. saka po ang alam ko sa married lang sya, ask nlang po nya HR, if wala nmn, pwde regular leave ang file

5y ago

Thank you po momsh. ❤️

Yung 7 days po under paternity leave law for legally married po na you can file sa employer. Notify lang po HR. For 7 days optional transferrable naman po under SSS expanded maternity law kahit di po married.

Kung may trabaho ka, pwede mo ibigay ang 7 days sa partner mo. Ang sss magbabayad nyan. Nka file ang partner ko kahit di kami kasal. Instead of 105 days naging 98 days nlang leave ko.

Sis,ang paternity para Lang sa kasal ...Pero kung di kayo kasal ang company/HR naman nagbibigay ng leave para sa mga nanganak na asawa pero unpaid leave cya..

VIP Member

Ang paternity leave ng sss ay pwede lang sa married. Pero depende parin sa company yun, pwede rin naman na payagan siya mag paternity leave pero di bayad ganun

Kelan po ba due date nyo? Sa accenture kasi nagwowork asawa ko eh. Kung dun sya magfafile ng leave, meron daw pong pede kahit di kayo kasal

5y ago

Naku malayo pa pala. Kasi nung nalaman namin na buntis ako di pa kami kasal. Pero merong leave sa Accenture kahit di pa kayo kasal. Need ka nya ideclare as Lifetime partner. Mejo madami requirements un.