49 Replies
Nag over gain ako ng 3lbs noong December, I tried my best na mag diet, d nman ako overweight pero sabi kasi sa akin is 3lbs lang dapat max gain per month, 6lbs na gain ko. Sarap kasi ng kain noong dec. Sa case ko maka rice and bread po ako plus sweets. Nag cut ako sa rice, bread, at sweets , di ako nag skyflakes kasi sabi ng co.worker ko na nurse same lang daw ang skyflakes at rice. I opted to lessen my food intake, opo evry now and then nagugutom ako, kaya suggest nt OB ko if gutom ako drink ako ng maraming very cold water. D na din ako kumakain sa gabi. Ang snacks ko is mani, apple and, lemon juice, water lang. I still cheat once a week. I always walk from house to work (walking distance lang kasi). By Jan-Feb na maintain po ang weight ko, March nag loose ako ng 1lbs (nag o-oatmeal na ako), and this April I lost 2lbs. Maintaining n ako kasi lapit na din ako manganak. I do have exercises na din. I started 32w. Mahirap po mag diet, umiiyak ako minsan, pero we need to be stronger to hold our desires para kay baby.. Subrang hirap sa umpisa pero once nasanay na ang katawan mo sa diet mo, makaka adjust ka din po. God bless Momma. You can do it!!
nakpag-fbs ka na po momsh para malaman kung mataas ang sugar level mo? kc ako mga 13weeks pa lang nakita na po sa fbs na mataas ang sugar level. kaya pina-ogtt ako ng maaga. nakita po dun na may gdm ako. so nirecommend ako sa endocronilogist then refer sa nutritionist para mabalance ung pagkain ko. tapos 4times a day ako nakuha ng glucose test. iwas po sa rice. 1 cup/meal lang po. hanggang sa maging 1/2cup rice nlng. sa Milk. 2spoon lang muna every morning & night. wag mo po isabay sa meryenda. iwas po sa matatamis. sa fruits po, 2 small fruit lang per day. sabay mo sa pagkain ng lunch at dinner. wag mo po gawin meryenda. tapos inom ka po ng 2cups water bago kumain para feeling busog agad. wag po magworry kc may vitamins ka nman po. mahirap sa umpisa pero para sainyo po yan ni baby. 😊
Mommy ako naman. Pinag strict diet ako ng ob ko Dahil malaki si baby. Eh sobrang takaw ko nung buntis ako.mayat maya Kain and palaging gutom and lahat masarap. Pinaliwanag sakin na need ko magdiet talaga.Sobrang hirap as in lalo pag d mo makain ang gusto mo. Then sabi ng Ob ko magdownload ako ng app for calorie count dapat daw 1500calories a day lang maconsume ko in a day. Napakahirap nun e Isang cup ng rice 300calories my lunch pa at dinner then meryenda pa. Ilang beses ako umiiyak nun kasi d ko makain gusto ko pero kailangan magdiet para kay baby. Breakfast ko skyflakes.then meryenda ko half cut ng apple. Mahirap pero kailangan ng disiplina kasi love natin si baby. After ko manganak dun ko kinain lahat ng Food na d ko nakain😂sulit naman mommy.
and mommy if magbbread ka skyflakes na lang yun lang pwede na bread na kainin mo na less calories.iwas na sa sweets. 45kg ako before then nung buntis ako 76kg😊Sarap kasi kumain sa inasal and since ftm ako ang alam ko lang dapat kumain ako ng madami para healthy si baby pero i was wrong and stop mo na din mommy pag inom mo ng anmum kasi ikaw at si baby ang lalaki.ingat mommy
Rice po okay na ung 1 to 1 and half. Sa bread naman po, huwag yung white bread like tasty, pandesal. Mga whole wheat po kasi mtaas sa sugar ang white bread at rice. kaya ako less rice lang mas madami ang ulam lalo kung gulay pero kung puro meat less lang din. Bumabawi nalang ako sa fruits na dapat hndi rin matamis like watermelon, ripe mango. dalandan, papaya, hilaw na mangga yan po. Inom ka din delight mommy, para hindi ka maconstipate. Di na ko umiinom ng milk kasi sabi ob ko malakas nga po mkataba, may sugar din po kasi yun. Di narin pala ako gumagamit white sugar, brown sugar lang. Ako din mahilig pero tiis tiis lang muna tayo sa sugar at sweets, after nlang paglabas ni baby. hehe.
Exercise po mamsh. Kahit maglakad2x lang den cut nyo po ang carbs. Need nyo po talaga magdiet dahil magtaas ang chance nyo po magka gestational diabetes or high blood pressure. Nagkagestational diabetes po ako nung buntis pa ako. Bumaba po yong timbang ko (pero si baby based sa ultrasound lang ang tumataas ang timbang), try nyo po baka effective sa inyo. Ang recommendation po ng doctor ko 1/2 cup rice sa umaga, 1 cup rice per meal sa tanghali at gabi. Bawal po ang karne na galing sa hayop na may apat na paa (baka, baboy, kambing), anything na iprinito, may gata at matatamis. Pwede po ang soda crackers para sa snacks at once a day na milk (lowfat or anmum para low po ang sugar content).
Simula pa lang na nag buntis ako di na ako pinainom ng gatas nung ob ko kasi alam nyang tabain ako. Nitong nag start ang quarantine lalo ako lumakas kumain lalo na sa rice. Ngayong 5mos ako hindi ako komportable sa dami ng kain ko kaya pinilit ko sarili ko na wag na ulit mag rice ngayon pang 4days ko na di na ako nag ririce itutuloy tuloy ko na na walang rice para hindi na ako masyado tumaba. Ang best option ko lang sa food is yung egg. At more water kaya lang masakit talaga sa sikmura kasi lagi gutom pero kumakain ako ng peanut pangtawid gutom at singkamas. Inalid ko na kasi ang rice at bread at pasta hehehe sana effective na wag na ako lumaki masyado.
Medyo mataba din ako last month ang ginawa ko hinde ako kumain ng almost 5 days! Water lang ng water saka saging lakatan.. Descipline lang talaga sa sarili mahirap labanan ang gutom peri nasanay din ung sikmura ko hanggan sa nung kumain na ako kunti kunti nalang d kona kaya kumain ng marami kaya ngayon payat na ulut ako. Kaso ikaw moms buntis ka kaya mahirap mo ung gawin.. Kaya bawas ka nalang siguro ng kanin.. Yan kc ang nakakataba eh saka sugar kaya hueag ka uminom ng Juice at softdrinks.. More on gulay at Fruits at Fish.
Suggestions lng po ha .. wg po muna kau mg anmum ang mostly kc mlakas mgpalakas kumaen yn base sa experience ko . 6kl agd dumgdag sa tmbang ko 3kl every check up . Kya po pinagdiet nila ko tinigil ko mg milk i na maintain ko po un timbang ko . Tapos po wag nyong hayaan mgutom kau . Wag dn pong sobrang busog or wag hayaan mbusog bsta my laman lng un tyan nyo.. mas mlkas po mkapg pabigat un pnay dw po gutom tyka kwawa c baby ..
Wag ka na mag anmum mamsh wag narin mag rice. Since everyhour ka kumakain, magpakatagtag sa lakad and mas damihan mo pag inom ng water. Stop narin ng sweets. More on fruit and vegetables.. how to stop eating alot? Simple lang mamsh disiplina sa sarili. Isipin mo rin ang baby mo, kapag na c.s mas mahihirapan kang alagaan at baby mo dahil hirap kang kumilos. No offense momsh hah. Goodluck kaya mo yan.😘
Same tau sis ang hirap ikontrol paglaki. 24 weeks n rin aq pero parang 8 months n ko. Every 2 hrs kc naggugutom aq at madalas bread, biscuit o gatas kinakain ko in between heavy meals. Kahit almost every 30mins 1 basong tubig aq. Ngayon ang hapdi ng left tummy ko pag matagal aq nkaupo o napaparami ng gawa. Nababanat na yata ng bongga tyan ko. Worried n ko kc last year naoperahan aq s matres bago nabuntis.
rozela anjanete tabago