Tama ba na magtampo Ako?

Hello mga Momsh, pa-advice Naman po. Hubby ko Po ay Isang Seaferer (Marino) pero di pa Po kami kasal, kakasampa nya lang Po last month March 30. Ako Po ay buntis ngayon sa pangalawa naming baby (6 months) at Yung Isa ko pong baby is 1 and half yr old palang bale CS Po Ako mga Momsh sa una Kong baby at dito sa pangalawa due ko Po ay August na. Ganito Kasi mga Momsh, sobrang sama Ng loob ko sa hubby ko at sobrang iniiyakan ko Po talaga kapag nasasagi sa isip ko kahit ayaw ko pong isipin Kasi Po Yung sahod nya pumapasok Po sa bank ko, ngayon Po may mga utang Po kami na dapat bayaran at alahas na dapat tubusin Nung nagprocess Po sya Ng mga requirements nya pabalik sa barko. Ngayon Po Kasi, 25k Po Ang dapat bayaran sa nahiram nya (10k sa kapatid nya at 15k sa Tita). May anak pa pong dalawa Ang partner ko sa magkaibang mommy, Isang Grade 12 na graduating ngayon tapos Isang grade 4. Yung G12 po pinapabigyan nya Ng 5k tapos Yung Grade 4 pinapabigyan Ng 10k. Ibinigay ko Naman Po mga Momsh Kasi Ayoko pong sabihin na pinapakialaman ko Yung sahod nya. Pero mga Momsh, sobrang sama Po Ng loob ko Kasi halos Wala pong natira samin Ng mga anak ko. Kasi Po 55k Yung pumasok sakin, magbabayad pa Po Ng bills namin at nangungupahan pa Po kami at naggagatas Ang Isa Kong anak. Ang usapan Po namin magtatabi Ako para sa panganganak ko Lalo na't CS Kasi ilang buwan nalang Wala pa kaming naiipon dahil sagad sagad kami Bago sya nakaalis. Kaya sinabihan ko Po Yung partner ko na ibibigay ko nalang Po Yung ATM Card ko sa kapatid nya tapos ibigay nalang Po sakin Yung budget namin para dito sa bahay at sa Bata Kasi mga Momsh, sakin pumapasok Yung pera pero Wala Naman akong karapatan magdesisyon sa pera kung paano Ang allocation, lugi lang Po kami Ng mga anak ko, Wala na pong natitira samin, abonado pa Ako dahil Ako Yung nababaon sa hiraman. Kaya di Naman Po siguro Ako masisisi kung sumama Yung loob ko diba? #advicepls #pleasehelp

1 Replies

for me pag usapan nyo po yung mga gastusin nyo at yung gagastusin mo sa panganganak, mag cost cutting kadin po kung may mga bagay na pwede ipagliban ipagpaliban nyo muna unahin mo muna yung funds para sa panganganak mo, tapos after nyo manganak at maka recover hanap kayo ng dagdag income para hindi kayo umaasa lang sa sahod nya lalo nat may sinusustentuhan pa pala syang iba, normal na sumama loob nyo pero mas kelangan mo mag isip ng paraan kesa ma stress kasi hindi din nya pwede pabayaan yung mga anak nya sa una tapos ipapriority kayo, yun yung unfair.

Siguro sobrang stress lang din Po talaga Ako, sobrang bigat at first time naranasan Ng panganay ko na sa sobrang kulang Ng budget namin last time Yung anak ko na Lactum Ang gatas, pinalitan ko Ng bonakid hanggang sa point na nauwi sa bearbrand na swak pack dahil delayed Yung sahod nila Ng 5days. tapos Wala din Naman Pala matitira sa mga Bata. naiisip ko tuloy, ganyan na mangyayare samin buwan-buwan. 😫Kung pwede lang na pagka-7 months Ng tiyan ko pwede na magpahiwa, gusto ko na Gawin mga Momsh para makakilos na Ako. Kasi Hindi ko kaya na ganito sa mga anak ko. 😭

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles