advice for fast recovery .
Mga momsh pa advice naman po ano dapat gawin para po mabilis ang recovery ng cs . First time kupa kase ma cs e kaya medyo takot pa ako mag kilos kilos .. sa mga nakaka try jan ng cs pa share naman sa naranasan nyo .. salamat sa makapansin

1 day after operation, tumayo na ko at naglakad kase gusto ko na lumabas kinabukasan. Kaya nung nakita ako ng nurse at ng ob ko pinatanggal na swero at catheter ko. Ang hirap nung unang tayo humihinga nalang ako ng malalim at napapapikit sa sakit. 3 naka alalay sakin non. Ika 7 days ko umaakyat na ko hagdan pumunta na din ako ng mercury. Ngayon 13 days na nakakalipas okay na okay na ko. Iwasan mo muna magkakakain ng malansa tsaka hanggat maaari wag kang magbubuhat ng mabibigat. Ung sugat mo ipalinis mo araw araw tsaka binder sakin kase di gano masakit pag mahigpit binder ko
Magbasa pa


