Vaccine in 1st trimester

Mga momsh nov nagpa 1st vaccine ako pero bago yun nag pt ako nega naman , sanay ako kasi may pcos ako tapos irregular mens ko . Pero buong nov di ako dinatnan pero sakin normal lang yun minsan nga 6 months wala akong regla pero negative sa pt . So yun na nga dumating ang December akala ko magkakaron nako kasi 1st week sumasakit sakit puson ko at mga symptoms before reglahin pero di ako dinatnan December 16 2nd dose vaccine ko dina ako nag pt kasi feeling ko nga rereglahin naman na ako tapos normal lang gawa ng pcos so vaccine done nako .. December 24 noche buena uminom pako ng konting konti lang naman na wine sabi ko mapaiy para lumabas na regla ko .. pero after xmas tuwing hapon feeling ko palagi ako nahihilo at inaantok antok .. nag pt ako December 27 and boom positive na .. di ako makapaniwa kami ni hubby 2x ako nag pt that dawly parehas malinaw positive .. tapos December 29 inulit ko ulit kasi di parin ako naniniwala positive talaga sya .. january 6 nag pa ultrasound ako 8 weeks and 4 days na pala si baby sa tummy ko ibig sabihin nung nagpa vaccine ako andun na sya .. ang dami ko kasi nababasa na natutunaw daw si baby sa vaccine .. pero ngayon po 13 weeks na sya .. ang tanong ko po wala po kaya yun side effect kay baby na masama .. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nag pa first dose dn ako ng hindi ko alam na buntis ako nung tim3 na yun.mga two weeks pa sguro ung tummy ko that time so far walang nangyari sa baby ko healthy nmn sya sa tummy ko .at now kabuwanan kona fully vaccinated ako kasama si baby. pray ka lang sis at eat a healthy foods ask ka na rin sa Obgyn or do regular check up pra ma monitor mo si baby.Congrats and have a healthy pregnancy😊

Magbasa pa
3y ago

2x naman ako nagpa ultrasound and sabi naman po ni ob okay naman daw po si baby , meron lang po akong minimal subchorionic hemorrhage pero resolving na po sya 🥰 salamat sis .. congrats din po and hoping po for your successful delivery kay baby mo ..God Bless po .

Sinabi nyo po ba yan sa OB mo? much better po pag sa expert tinanong at nanggaling kung safe or hindi ang vaccination lalo po maselan talaga sa 1st trimester. Sa akin pi kasi, di pa ako pinayagan ng ob ko 13 weeks na ako ngayon at booster shot ko sana last month... Pero yung 2 shots ng vaccine ko July 2021 pa. Nov naman ako nabuntis

Magbasa pa