BINAT!

Mga momsh need help ?please enlighten me.. sa totoo lang sumasakit ang ulo ko kakaisip.. I gave birth last august 18, normal delivery po,. Advice sa hospital maligo daw xempre nga naman chinicheck up pa din habang nasa ospital IE ganun.. Syempre wala naman hotwater sa ospital kaya nagpunas punas lang ako after 3 days pag uwi sa bahay naligo na po ako nagpainit na ako ng tubig kasi nasa bahay naman na ako.. Siguro mga 3 days ako nagpapa init ng tubig tas okay na ako sa normal water na pinapanligo ko.. Tsaka nakakalakad at nakakagalaw ako ng normal ang masakit lang talaga ung tahi ko pero kaya ko naman ung gawain naasikaso ko naman si Lo, sa mga nakakakita po sa akin dami nagsasabi lakas daw ng loob ko maglalabas at mamalengke e kapapanganak ko pa lang sa totoo lang po wala ako narramdaman ung tahi ko lang talaga.. Sabi ni nila ang binat daw sobramg sakit ng ulo na parang binibiyak ang nrramdaman ko lang po sakit ng ulo sa may sintido kapag napupuyat ako binabawi ko naman pag tulog na din si baby sinasabayan ko ng tulog pero pag madaling araw ung gigising every 2-3 hours para magdede un masakit kasi sa ulo e, binat na po ba un?? And naka aircon kasi kami sa kwarto so minsan malamig talaga sabi nila pag nag chichill ka daw binat na din daw un e minsan nilalamig talaga ako.. Natatakot ako sabi nila pag may binat mababaliw daw??? Totoo po ba un? And ano po pwede ko gawin? Thank you mga momsh! Sa totoo lang dagdag sa sakit ng ulo ko 'tong Binat binat na to.. Kakaisip ??

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Binat nga yan sis. Kasi pag bagong panganak bawal mapasukan kaagad ng lamig ang katawan lalo na kung fresh pa yung tahi. Ako nung sa panganay ko 1week ako walang ligo. Punas punas lang. Nung naligo ako may mga herbal na sinama sa hot water ko. Almost 1month kami hindi nag aircon and lagi akong naka long sleeves, jogging pants and socks kahit init na init ako. Hindi rin ako pinapainom ng cold water. Either hot or warm water lang. 9mos na si lo ko nun nung kumilos ako sa bahay. Ultimo hugas ng bote ayaw nila ipagawa sakin. Laging patago kilos ko nun. Kahit nga gadgets sis bawal eh

Magbasa pa

Ako sabi ni mama at yung naghilot sakin may binat daw ako. Kasi sobrang sakit talaga ng ulo ko. Nung umuwi ako sa province namin nagpahilot ako ng ulo and grabe guminhawa yung ulo ko. Lalo na sa bandang mata ang sakit talaga kase na halos di ka na makagalaw. Oero nung nahilot dun lang guminhawa

Wala naman po kasing medical basis ung binat. More of over fatigue po siguro. It takes years before mafully recover ang babae after manganak. May pain reliever pa din siguro kaya walang pain. Yung mababaliw, sa post partum depression naman po.

VIP Member

Wag mo isipin na nabibinat ka mumsh. Wag muna mag aircon. Para di ka lamigin and wag muna gumalaw galaw. Ako din agad gumalaw kasi kaya naman talaga pero wag sobra.

5y ago

Thank you momsh 😘

Ako nun ininuman ko ng saridon sabay tulog