please answer

Hello mga momsh, nag pacheck up po kasi ako kahapon tapos sabi ng ob ko 2cm na daw po ako tapos pagkagabi po non may discharge po ako na brown na malapot na may kasamang dugo tapos nagtext kami sa ob ko tapos ang sabi ng secretary nya normal lang daw po yun kasi gi IE ako ni doc pero halos wala po akong tulog kagabi kasi parang akong may dysmenorrhea.. normal lang po ba ito o naga labor na ako?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Labor na yan sis. Pero di pa consider as active labor. Lakad lakad ka pa tsaka squat. Orasan mo yung pag hilab ng tiyan mo. Ako nun, 2 cm after 8 hours tsaka nag 10cm. Kada hilab ng tiyan ko sinasabayan ko ng pag ire. Pero wag sobra kasi sabi ng ob ko baka daw mamaga yung cervix. Goodluck sis and have a safe delivery 🙂

Magbasa pa

Normal labasan ng dugo after IE pero ang brown discharge ay sign na rn na manganganak kn. Pag ang sakit ng puson ay every 3-5 mins na. Labor na yan sis. If hnd, lakad lakad kn pra mas matrigger na