GINAMIT LANG AKO?
Mga momsh, mag-rant lang ako. I just gave birth to a beautiful baby girl.. 1wk old pa lang sya. Pero my partner and I had already our first fight again after giving birth. Bakit ganon? Pakiramdam ko, kaya nya lang ako inaalagaan dati, ay dahil dala ko yung anak nya, now that nailabas ko na yung anak namin, wala na syang pakealam sa nararamdaman ko ulit? Balik na sya sa pagsigaw sigaw sakin, at sa pagpaparamdam na parang ang tanga ko. ☹️ parang inintay nya lang mailabas ko yung anak namin, tapos ako, wala na syang pakealam. Parang kahit mawala ako, okay lang sa kanya. Hindi ko alam kung eto ba yung tinatawag na postpartum blues. Pero ang lungkot lungkot, kagabi pa ako umiiyak. (Sa sala ako natulog kagabi, pero wala syang pakealam, hindi man lang nya ako hinanap o inaya na umakyat sa room namin) Hanggang ngayon naiiyak ako. ?