Pa-stress na Asawa

Hi mga momsh! Kwento ko lng po yung asawa ko, binibigay naman nya needs ko sa pagbubuntis, milk, fruits, snacks, vitamins. Pero pagdating sa emotional needs wla, yung kailangan mo ng kausap tutal anjan naman siya at quarantine walang work, pero mas lamang ang pagggames nya or fb and messenger. Yung walang kalambing lambing, hindi ka manlang yakapin. Yung birthday mo pero dahil tinatamad sya lumabas kahit may sasakyan naman,hndi manlang bumili ng konting pang handa mo. Tapos yung matagal na namin na di ka imikan n kapatid nya at asawa nito ok na sila at close na ulit, ako ang ginawan n masama pero siya lang ang sinuyo nila. Kinausap ko sya about dun,na close na pala ulit sila,kung nag explain ba bakit bigla sumama ugali nla sakin? Pero sa akin pa nagalit asawa ko. Ngayon dedma nya ko, hndi nasabay pagkain at hndi na natabi pagtulog. 4 months preggy po ako at ftm pero super stress ako. Hndi ko alam ano magging effect kay baby ko. Need your advice mga momsh, ano dapat kong gawin at pano ko mapapasaya na lang ang sarili ko para na lang kay baby.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan po naranasan ko, halos parehas po tayo. Mas malala po saken kasi inaaway po ako ng walang dahilan, hanggang sa pinaalis nya na ako. 5months preggy, wala nakong nagawa sustento nalang hinabol ko. ayun naging masama pako sa family nya 💔 Pero okay nako, ang iniisip ko nalang healthy at makalabas ng maayos baby ko. 😊

Magbasa pa

Sana hindi nila pagsisihan sa huli ginagawa nila sa atin. Balak ko na lang din umuwi na sa amin. Para mkaiwas na s nakakastress. Para na lang sa baby ko. Sana maging ok na din ako kagaya mo...😢

5y ago

Ang hirap lang humiwalay sa asawa lalo at mahal ko, pero parang wla nako ibang choice. Kesa naman araw araw ako magpaka stress kawawa nmn si baby. Tama ka eh, dapat magfocus na lng ako kay baby. Kasi sya ang greatest blessing na dumating sa akin. Salamat sa advice momsh, akala ko walang nakakaintindi at nakakarelate sa akin. Atleast nakakaluwag luwag sa dibdib. ☺

Related Articles