I happen to chat her Aunt.
Mga momsh so ito ung update ko tungkol dun sa nakachat ng mister ko ng malalaswa at nagvividcall sila na naghuhubad ung babae at nagsesend nudes. It happens na Tita niya ung pinagpaalaman ko. Tama po ba itong ginawa ko? Ayaw ko po ng gulo pero gusto ko din syang turuan ng leksyon. Narecover palang ako sa sakit na ginawa ng mister ko at nagcocope up dahil 6months old palang baby girl namin 😞. So far nagusap na kami ng mister ko at ngayon umalis muna ako sa kanya nang maramdaman niyang di ako natatakot iwan sya. Umuwi ako sa bahay ng parents ko kasama ng daughter ko after ko madiskubre kagaguhan niya at after 3 days saka ko lang sya kinausap. Ang hirap palang nasasaktan di ka makapag isip ng maayos at walang gana kumain haisssttt moving on nlng pero mukhang permanent na tong trauma sa relationship namin kahit na nakipag ayos ako. Di ako selosa at super tiwala ako sa kanya pero ngaun iba na di ko mapigilang di icheck phone niya everyday.