Reseta....

Mga momsh itatanong ko lang sana baka may nakaka alam po sainiyo nito kung ano po ito at para saan po? thank you po

Reseta....
33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

OGTT 75gms is para malaman if may GDM ka. Gestational Diabetis Mellitus. Need mo mag-fasting ng 8hrs nyan. Pagdating mo sa clinic kukuhanan ka ng dugo. 1st kuha un para sa FBS. Then may ipapainom sayong napakatamis na orange solution. 75gms ang sukat nun. Need mo ubusin within 5mins. After 1 hr from 1st kuha sayo ng dugo eh kukuhanan ka uli. Bale 2nd kuha na ng dugo un. Bawal ka pa rin uminom ng tubig at kumain ng kahit ano. After uli ng 1hr ng 2nd kuha sayo ng dugo eh kukuhanan ka uli for the 3rd time. Good luck sis! 😊

Magbasa pa
VIP Member

fasting ka po ng 8-10 hrs then may ipapainom sayo na orange juice, glucose ang nabasa ko nun sa bottle then need mo maubos yun within 2 minutes tapos kukuhanan ka ng dugo then maghihintay ka ng 1 hr then kukuhanan ka ulit ng dugo bawal ka pa din uminom ng tubig or kumain at bawal ka din masuka kasi uulit ka sa umpisa it means baliwala ung pagpunta mo ng maaga sa hospital or center. need mo ulit mag fasting pag ganun. 3x kang kukuhanan ng dugo.

Magbasa pa

Oral Glucose Tolerance Test po yan mamsh. Need mo magfasting at least 8 to 10 hours then kuhaan ng dugo sa umaga, after noon paiinumin ka ng 75g na matamis na fluid, then kkuhaan ka ulit ng dugo after 1 hour, depende po sa protocol ng laboratory.

my ganyan dn po ako request sa ob ko. last month po kasi result ng lab ko is mababa ang hemoglobin ko and then my uti daw po. ngayon po need ko magpalab ult if tumaas na po hgb ko. tapos po my ganyn dn na request 7g ogtt.

TapFluencer

Hi, momshie! OGTT is oral glucose tolerance test. May ipapainom sayong sweet drink then kukuhanan ka ng dugo after 1 hour and 2 hours. This is to check if nasa normal range yung blood sugar level mo. :)

blood sugar test po.. papainomin ka ng parang orange juice na super tamis... tapos kukunan ka ng dugo... every hour.. mga 2 to 3 times po.. Kaya medyo nakaka Hilo kasi bawal pong kumain...

ganyan po papainum sa inyo nyan sa hospital po kayu pupunta hindi po sa mga drugstore request po yan di ko lng alam bkit ganyan lng pag kaka sulat hehe

Post reply image
VIP Member

mga mamsh thank you po sa mga sagot po 😊 ang sabi kasi reseta daw po don sa napagtanungan ko.. ito po ba ay request para po sa blood sugar lab test po?

4y ago

For blood sugar testing po yan, need mo maubos within 5 mins. Di pwde isuka kasi ulit ka po ulit. Then 3x din ang extraction para malaman if may gestational diabetis ka.

Fasting kapo for 8hrs and 4x kang kukunan ng dugo, may papainom po sainyo na glucose pag sinuka po yun ulit sa umpisa and panibagong bayad ulit.

VIP Member

oral glucose tolerance test 75 grams.. lab test para makita if mataas blood sugar mo pang identify if meron kang Gestational Diabetes..