51 Replies

i feel you. yung mama ko, tinanggap naman ako and all pero may mga narinig akong masasakit na salita sa mga kamag-anak natin. but this is waaaaay better ksi pinanindigan ko yung baby ko kahit nung una sobrang hesitant ko dahil sa pagkalito ko, naisip ko pa nga magpa abort. pero naisip ko na yung galit nila sakin lilipas din, di ko kayang may mangyari sa baby ko. Ang importante tanggap ka at naka-suporta sayo ang parents mo. hayaan mo na yung sasabihin ng iba. ☺ God bless and stay healthy 💜

Mas importante na supported ka ng parents mo sis,hindi mo na mababago na may masabi sayo ang mga tao,especially yung hindi marunong umunawa.Isipin mo nalang na supported k ang bf mo and yung safety ng anak mo.Don't let yourself to be stressed out sa mga taong kahit anong gawin mo ay meron pa ding masasabi.Focus your attention sa baby mo and please set an appointment with your ob,then take folic acid dahil napakaimportante ng vitamins na yan especially during first three months💪💪

Hehe same situation tayo sis. Pero sakin mataas kase mga expectation nila. Tas nung nalaman na jontis ako, nagalit sila at first ( pero so what) then nung tumagal onti love na nila baby ko and hinihintay na nila (cute nila diba 😌😌) Tho ung parents ko tinanggap nila nung nalaman nila. Papansin lang talaga yung mga ibang relatives 😌 dont mind them sissy. nagpaka depress din ako sa ganyan pero later on narealize ko indi naman sila magpapalaki dito so bakit ko sila iisipin 😌

Hello ma! Pakivisit naman po profile ko tapos paki LIKE naman po yung photo na naupload ko po. Thank you po🥰

VIP Member

Wag kang ma stress kasi baka kung ano mangyari sa baby mo. Sabihin mo na sa parents mo dapat sa right timing. Sa una siguro di nila matatanggap ung nangyari, pero habang tumatagal matatanggap din kasi kadugo nila..apo nila yan. Sa mga kamag anak nyo, hayaan mo lang sila. Di ikaw ang nagkakasala sa mga pag chichismis nila, sila mismo ang gumagawa ng kasalanan sa gagawin nila, msama kasi un na mimamaliit ka.. Wag kna ma stress, mag pray.. Pag pray mo lang :)

naku sis wag mo isipin sasabihin ng mga relatives mo ganyan din ako pero hinayaan ko lang sila sa kung ano sinasabi nila di ko tinago sa kanila pinapatunayan ko na kahit nabuntis ako at ngayon nakapanganak na kaya namin ng husband ko at maayos ang buhay namin .. wag mo isipin masyado yun makaka apekto lang sa health niyo ni baby .. buhay mo yan kahit ano pa sabihin nila gang dun lang yun wag mo nalang intindihin masyado kahit ano sabihin nila sayo.

VIP Member

Minsan kung sino pa ung kadugo mo sila din ung magdadown sayo imbis i-build up ka pa mas lalo ka pa ida-down. Mind their own business kamo. Jusko, sabihin mo di nman sila ung gagastos o magpapalaki sa magiging anak mo di mo kailangan lahat ng kung ano man ssabihin nila once magiging nanay kna lahat ng desisyon ng pagpapalaki sa anak mo ikaw ang masusunod 2nd opinion lang ung mga nakapaligid satin pag nagkataon

Parang kapatid ko sis nabuntis sya 16 years old ganyan din inisip nya magpakalayo pero pinagsabihan ko sya sbhin nlang ung totoo at panindigan ung baby walang mangyayare sis kung ganyan iisipin mo hyaan mo nlng sila pag chismisan ka di nman un makkatulong sayo. Kahit anong kasalanan ng anak sa magulang tatanggapin padin nila dahil kahit anong mangyare di matitiis ng magulang ang anak nila..

Ako din mommy 19 that time, sobrang supportive ng parents ko kasi pinatuloy pa din nila ko mg aral hanggang makatapos ako ng college. Lagi ka lang maging positive. My reason lahat ng bagay. Gawin mong inspiration yung baby mo. Isipin mo balang araw magiging successful ka din. Hayaan mo lang mga sasabihin ng kamag anak mo. Mas mahalaga padin mapalaki mo. Ng maayos magiging baby mo.

Tell your parents about your situation. Mas ok if una kay mother mo para matulungan ka niya sabihin mo sa father mo mahirap ang ganyan sis. Mahirap ang magbuntis ng walang nakakaalam. Emotionally ka rin mahihirapan. Pagpray mo sis and if man may masabi ang parents mo siyempre need to respect and understand them dahil they want the best for us, always.

Wag mong isipin sasabihin ng iba ang importante support sau bf mo tsaka family mo. Swerte mo nga kasi pinanagutan ka what more yung sasabihin ng iba pag walang ama yung ipinagbubuntis mo like me, stay strong mommy for ur baby yaan mo yung mga taong mapanghusga ang importante masaya ka kasi magkakababy ka na 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles