Gusto or ayaw pakasalan?

Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya πŸ˜…

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me lang wag nyo pilitin. I was there, 10 years kame then he wants a baby first bago kasal. Puro parinig at inaaway ko sya. Nabuntis ako he wants after nalang ng panganganak ko. I said no dapat legal baby namin. I was thinking na di na kme ikakasal pero soon enough sya nag propose. Sissy wag ipilit kase malay mo mas mag ka problem sa huli. Im not saying na mag hihiwalay pa kayo pero let it be. Pero pag di ka na comfy talk to him or give your self a deadline. Bata pa kayo dami pa pwede mangyare wag ka pa stress.

Magbasa pa