Gusto or ayaw pakasalan?

Mga momsh, I need your opinion lang. May baby na kasi kami 1 year old, nag sasama nadin naman kami sa iisang bahay. 6 years na din kami together pero bata pa naman kami 24 siya at 23 ako. Gusto ko na kase mag pakasal kamk kahit civil lang kase ako sure na ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay, pero sinasabi niya na sa susunod na lang next time na pag may pera, eh hindi naman malaki ang kailangan sa civil wedding diba? Kahit family lang okay na. Dati ko pa siya pinaparinggan about sa kasal na yan and binibring up ko din sakanya about yung sa kasal kaso ngayon nag sawa na ako , feel ko ako na lang ang nag pupush and may gusto. Pero one time bigla siya nag open up sa mga plano niya, gusto daw niya muna maging stable and work/business niya, pag nakaipon daw ng konti, pakakasalan niya na ako pero that was months ago, di na niya uli inopen up yun. Sa tingin niyo ba may balak talaga siya? Or puro salita lang? Gusto ko kase ng assurance kahit papano kahit mag propose man lang siya ๐Ÿ˜…

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

pinipressure mo.naman masyado c hubby mo sis..may point naman cxa maganda may ipon..ang kasal kasi anjan lang yan anytime pwede pagplanuhan..kasi kami partner ko pinagkasunduan din talaga namin na mag iipon muna kami bago pakasal..since magkababy na kami priority namin c baby..

If wala ka naman ibang pag aalala sa pagsasama nyo, nothing to worries.. suportahan mo nalang sya sa plans nyo tutal para sa inyo din naman yun. Normal na makakaramdam ka ng pagkainip or feeling mo di ka secured sa pagsasama nyo unless legal na talaga di ba.

Yung tatay ng anak ko four yrs kami, four yrs old nadin anak namin. Sundalo sya, for benefits sana ng anak namin. Binigyan ko ultimatum. Ending di pa daw sya ready. Aanak anak ayaw naman pala magpakasal.

If gusto niyo po malaman mommy ask him directly pero mommy may mga lalaking ayaw silang pangunahan. Kayo lang po ang nakakaalam sa attitude ng partner niyo

Wala talaga syang balak. Kasi kung gusto nya, una palang nagkaaanak kayo ginawa na nya, dami mo kaya makukuha benefits at sya din pag nanganak ka.

ako base lang po sa exp. ko wala naman pong pgbbgo kapag kinasal kyo madagdagan lang po ang anak nyo heheheh.

mas okay kung kausapin mo sya regarding dyan. be open to each other for the benefit of both of you.

i feel you mamsh pero sa katagalan naisip ko rin na sa ngayon dipa naman priority yung kasal