Is it postpartum?
Hello mga momsh, hindi ko alam kung part ito ng postpartum. Since nung 3rd trimester until now na nakapanganak na ko (4 months na si baby now) hindi na ko nakipag do kay Mister. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw ko na ng sex parang kontento na ko na may baby na ko at hindi ko na need ng sex. Tuwing maglalambing si mister naiirita ko tapos minsan napipilitan lang din ako na lambimgin sya pabalik kase nagi guilty ako. Okay lang saken yung kiss and hugs pero pag nagiging intimate na sya nabibwisit ako. Kinausap ko sya na hindi pa ko ready makipag sex ulit naintindihan nmn nya sabi nya kahit mariang palad ko na lang sya para hindi sumakit yung puson nya pero ayoko pa din gusyo ko magsarili sya mag isa. Minsan naaawa ko kase sumasakit yung puson nya kaya natutulog na lang sya pag hindi nya ko napipilit na imariang palad sya. Ewan ko momsh parang nabawasan talaga ata yung pagmamahal ko sa kanya tulad ng sinasabi nya sa ken pag nagtatampo sya. Sabi nya nagbago daw ako nung nagkababy kame lagi daw mainit ulo ko konting mali nya lang daw nabubulyawan ko sya feeling nya daw wala na syang ginawang tama sa paningin ko. Naisip ko na oo nga parang yung mga pangit na lang nakikita ko sa kanya. Sobrang nakokonsensya ko mga momsh. 2 years ng walang matinong trabaho si mister nagkaka work sya pinakamatagal na isang buwan minsan weeks lang wala na naman syang trabaho. Nung una okay lang saken kase sapat nmn sinasahod ko para sa ming dalawa. Pero nung nalaman kong buntis ako nabigla ako sa laki ng gastusin tapos sumabay pa yung covid. Ako sumasagot lahat mula bayarin sa bahay, pang araw araw namen, check ups, laboratories hanggang panganganak until now ako may sagot lahat. Makakapag bigay sya pag nagbigay yung mga kapatid nya which is bihirang bihira. Ubos yung savings namen pati na ung maternity benefits ko. Alam kong stress din si mister pero wala talaga syang diskarte at dun ko naiisip na dapat sya ang sumusuporta sa men ni baby dapat sya ang nagbibigay ng pangangailangan namen. Pero alam kong hindi nya kaya kase hirap sya maghanap ng trabaho. Mahina kase comprehension skills ni mister at tanggap ko na hindi sya katalinuhan kaya hirap din sya makapasa sa mga interview dahil karamihan ng company english yung mga interview. kahit ganun minahal ko sya sa kung ano yung buong sya. Pero nung nagka baby kame parang nag iba na yung pananaw ko na dapat lahat ng pangangailan at kakailanganin ni baby dapat nabibigay namen hindi yung tipong pati pambayad sa bahay wala kame. Sobrang bait ni mister mga momsh. Sobrang maalaga. Pagdating lang talaga sa financial support at diskarte nakukulangan ako sa kanya. Iniisip ko baka isa to sa factors kung bakit ayaw ko na makipag make love sa kanya at binabalewala ko na lang yung pangangailangan nya bilang lalake. Haayss... Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. #1stimemom #theasaianparent #firstbaby #advicepls #postpartumdepression