Flo app effective po ba to track yung low chance if getting pregnant?

Mga momsh, effective ba sundan ang flo pag kahit walang iniinom na contraceptives? Pashare naman po ng experience nyo. Medyo natakot ako sa last hanap namin ni lip hihi

Flo app effective po ba to track yung low chance if getting pregnant?
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me accurate sya since regular ang mens ko. Mas nagiging accurate yan pag timely din paglolog mo ng period mo at least 3 months data. Yan gamit ko dati nung wala pa kami plano magkababy, sabay withdrawal method din. Yan din gamit ko nung plan na namin magkababy. Isang try lang, nabuo agad 🤗

Not really. at somehow accurate sa pagdating ng period. may pcos po ako nun, nagamot na din. then nag regular mens ko. Nag do lang kami ni hubby pag hi-risk na para makabuo agad. pero 6 months walang nabuo. sabi ko araw-arawin na namin. tyaga lang. after a month nabuntis na. team January here!

Thats accurate when you’re using that app. User din ako niyan and I can prove that useful sya to track your mens and malalaman mo talaga if you need to take PT na. Advantage kapag regular period mo, same as mine. Pero pag irregular hindi ako sure dun.

flo app ang gamit ko nung nagta try plang kme ng mister ko mag buntis. eto 21weeks nako now. 🤗 effective sya para sken na gusto na tlgang mag buntis. finollow ko lang itong app at ung advise ng OB ko. buntis tlga ako after e :)

sa flo po ako nabuntis feb palang di na po kami withdrawal pero nung june sinundan ko yung days na nakalagay fertile ako saka kami nagdo ayun nabuntis po ako hehe pero mas accurate sya sa mga regular cycle

Accurate po yan. Pero basahin nakasulat "low chance of getting pregnant" means low chance pero may chance parin. If gusto maging sure na di magkaanak better to use contraceptives or siguro mag withdrawal

TapFluencer

Para sakin po accurate yan, yan gamit namin ng partner ko nun bago kami mag baby. Nakalimutan lang namin tingnan e fertile pala ako nun, edi ayun ngayon may 1 month old baby na kami😅🥰

2y ago

same 4 months pregnant na ako :)

im using flo app since nung di pa ko buntis.. pero sinasabayan ko pa rin ng discharge method ( yungnobserve mo yung lumalabas na discharge sayo, egg white ba, dry, or medyo malabnaw) mas accurate po..

TapFluencer

yes user ako ng flow basta nag aupdate ka lang ng mga signs and symptoms mo during , before and after your period sobrang accurate sya, one day before or after lang palya nya ng prediction

thank you mga momsh! takot lang ako masundan ulit si baby haha kasi ayaw din ako pagamitin ng contraceptives ni lip eh hahaha 😂 asado lang sa app na to after ko manganak hahaha