Public hospital
Mga momsh ask ko lang sa mga nanganak or balak manganak sa public hospital usually magkano binayaran niyo and totoo ba na masusungit yung staffs base on your experience?
Hi Mie, share ko lang... ako nung una ang main goal ko is manganak sa public hospital dahil malake daw matitipid ko dahil sa Malasakit discount bukod sa Philhealth, pero during check up plang..nkikitaan ko n wlang compassion mga doctors and even nurses mostly sa knila parang ewan magsalita... siguro kase alam nila lahat ng pasyente dun wlang pera kaya entitled sila magtaray at iassume n dapat umaus kameng pasyente dahil kung hinde bka sigawan nila kame anytime. Pero after ng few check ups ko sa public.. i decided maghanap ng private hospital na malapit samen.. kahit magbayad kame push ko nalang sa private hospital.. lalo na first time ako manganganak.. gusto ko habang nahihirapan ako umire, gusto ko sana hinde na mkdagdag ng stress ung paligid ko..sa public kase masisigawan ka dun..tuturing ka nila instant na nagiinarte.. Now, sa private nko, very accomodating sila.. from guard,doctors and nurses.. mararamdamn mo ung care and support nila..itatrato kang tao siguro nga kase private at alam nila may pera ka..Ok nlang din mpagastos kame sa private atleast good experience.. wlang dagdag na trauma..ung pag ire na lang iintindihin mo.. Yung pera kikitain yan e..pero un experience mo sa hospital n aanakan mo it cud make or break u .. Good luck po mamsh kung sa public k po magdecide.
Magbasa pasa akin my sa public hospital ako nanganak then 1 week kami sa hospital kasi na cs ako at na nicu baby ko ng 3days. so sa bill sa hospital covered ng philheath but may excess na 2800 na need namin i pay. wala pa dun ang mga gamot at mga kit na bibilhin sa labas. Tapos iba ang pf sa doctors kasi may private obgyne ako so nag pay kami mga 70k sa drs. (40k sa ob, 20k sa anesthesiologist at may sa pedia pa un at isa pang dr.) since mejo nag elevate blood sugar ko.🥺with regards sa nurse.. di naman lahat masungit but almost all. 🤦🏻♀️sumusunod naman kami but may mga feeling boss talaga.. pati sa experience ko sa nicu grabe. haist.. anyways di naman lahat kaya pray nalang ma timing na okay experience mo.
Magbasa pahindi kasi ako nakapag cs package sa ob ko dahil ang akala namin ni ob makakaya ko inormal delivery. try to ask your ob kung may private ob ka about sa package nya either normal or cs delivery baka mas makamura. .
saakin momi talagang Public hosp ang plano ko kahit noon ayaw si hubby kasi nga yung negative feedback sa mga provincial hospital. Pero mas nanaig sakin yung lakas ng loob ko hahaha tsaka hello sayang ng matitipid namin kasi halos walang babayaran pagka sa public. Yes masusungit sa public pero depende parin sa pasyente kung marunong kang makinig, madami din mababait maasikaso tsaka may respeto sa pasyente. Observation ko lang noon sa labor room is talagang hinahayaan nila yung mga mommies na mag labor mag isa pero if need assistance bibigyan ka naman ng student nurse, sa pag deliver naman makinig ka lang sa mga doctor nung tamang pag ire, inhale exhale and wag na wag iiyak ahehe plus shaved ka na dapat hahaha
Magbasa paHi mi! Ako po nanganak sa public hospital. As in 0 balance po both sakin at kay baby. Wala po akong binayaran since updated ang philhealth ko. Nagbigay din sila ng mga vitamins at gamot for recovery. Then, nataon naman ako sa mababait na staffs, doctors at nurses. Feeling ko nagsusungit lang naman sila sa mga pasaway din na patients eh. If sumusunod naman at mabait, mabait din sila. Di ko lang nagustuhan is wala akong kasama or bantay since bawal daw talaga :(( buti na lang kinaya ko mag-isa at saglit lang din naman, discharge na agad.
Magbasa paAdditional lang din po if ever, lakasan mo po sobra loob mo sa public hospital. Yun po talaga payo sa akin ng mother ko. Bawal kasi maarte dahil walang tutulong sayo kundi ikaw lang. Pati para if ever masungitan ka, kiber lang haha. As long as makaraos ka, okay na yun.
Hello public hospital ako nanganak, All goods naman po may mga nurse lang na masungit pero di naman lahat siguro dala rin ng pagod nila. Sakin naman lahat sila mababait basta masunurin ka ang maganda din wala kaming binayaran basta meron kang philhealth 0balance kami ni baby hehe 3days rin kami tinagal sa hospital kasi na chambahan Jan 7 sabado tas kinabukasan linggo walang office
Magbasa padi ko sure mi pero ako kasi private ob ako sa private lying in, maternity lying in daw yon ewan ko don hahahaha pero di ako sakanila nanganak kasi need iswab wala ako vaccine eh. Kaya diretso hospital ako
Wala o halos walang babayaran basta philhealth member ka (updated ang bayad) and yes, merong masusungit po pero meron din naman na mabait pero mostly na nakita ko masungit e (nung nagduduty pa ko sa OB ward ng public hospital) 😅 basta mas tatagan mo na lang loob mo at wag iiyak pag biglang nasigawan.
Magbasa paKung wala naman dapat ikagalit/sungit di ka naman ata masusungitan. Basta palakasan nalang ng loob pag manganganak na I heard kasi ikaw lang dun sa loob habang nag lalabor hindi kasama si hubby. Di tulad sa lying in na pwede ka iassist ng hubby mo. Pero sa public hospital din ako manganganak Goodluck satin momsh !
Magbasa paMay binabayaran pa rin kung sa private ward ng public hospital. Pero kung yung general ward lang at kung indigent yata, wala na. Madalas masungit yung mga matatanda. Mga batang staff mababait. Not all, pero ganyan ang pansin ko.
Wala po babayaran kasi my philhealth at malasakit. Pero sa experience ko super sungit na ma trauma ka. Bastos pa yung iba prang kasalanan mo nag pa admit ka doon.
Masungit lang ang mga staff dahil na din siguro sa pagod nila araw araw tapos may mga pasaway pang Nanay/Buntis. 😅
blessed with a daughter