Panganganak

Hi mga momsh! Ask ko lang po kung puwede ba manganak sa lying in pag first time mom? Naguguluhan nko. Sbe ng parents ko wag dw ako papayag na s lying in ako manganak lalo na first baby ko tas may memo na ngayon ang DOH at philhealth about dun. Kaso nung sinabi ko yun sa biyenan ko, hindi sila naniniwala. Bakit daw siya halos mga anak niya sa lying in lang. Sampu pa yun. Tas yung pingpapacheck upan ko naman daw na lying in, subok na yun at madami ng napaanak. Nakakaistress. Manganganak n lang ko hindi ko pa alam kung saan. Naka stay kasi ako ngayon s biyanan ko tas nasa province parents ko. Sabi ko nga sa parents ko, sila makipg usap dto s parents ng bf ko. Kasi hindi naman ako pinapakinggan. Naiistress lang akom 24 yrs old. First time manganganak. 32 weeks preggy here. Thanks

90 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi! Actually depende sa lying in na mapupuntahan mo. Ako netong March Todo hanap ako, may mga lying in na midwife Ang magpapaanak pero i-oorient/kakausapin ka nila about sa risk factor kapag sa kanila lalo't ftm tayo. May mga lying in din Naman na nagpapaanak din Kasi merong available na OB. Meron din Naman na Hindi talaga sila natanggap Ng ftm. ... I planned it all na sa lying in manganak but.. napremature si baby napaaga netong April instead of May 2020. Kaya na c section ako at no choice kundi sa Private Hospital. What I'm trying to say is much better makahanap ka ng lying in na OB Ang magpapaanak at better to have plan B, na sa Private hospital incase of emergency. I'm 23.

Magbasa pa