IN-LAWS

Hi mga momsh, ang OA ko ba na lagi akong naiinis kapag sinisilip ako dito ng in-laws ko? I'm 36 weeks preggy. Nakabukod naman kami ng bahay ni hubby pero katabi lang namin ung bahay ng in-laws ko. Nung una okay naman. Simula nung di ako naglalabas dahil sa virus, nagsimula nang sumilip dito at sabihan ako lagi na lumabas naman at maglakad lakad. Take note ah, 5 months palang ako nun gusto nya magpakatagtag na ko. Then yung mga unang prenatal check up ko, pinupuntahan pa kami dito sa bahay para lang itanong nang itanong kung san kami pumunta. Like wth, mukha ba kaming namasyal? Fast forward, ngayon ayaw na magwork nung brother-in-law ko which is kasama nung in-laws ko sa bahay. Napapansin ko na nagpaparinig si MIL samin na nahihirapan daw sila (si hubby ko lang kasi professional sa mga anak nya). Naistress ako. Lalo na dahil kahit nasa ibang bahay kami, ramdam ko parin na binabantayan nila ko maya't maya. May times na pagnapapatingin ako sa pinto, nakasilip sila. Although kung they want to check kung okay lang kami, ayos lang sana. Kaya lang ang tagal kami sinisilip mula sa labas. Ang gastos pa nila sa bahay nila gaya ng tubig at kuryente. Di naman ako against dun kung kaya naman tumulong ni hubby (no work kasi ako) kaya lang kung laging ganun, kami ang mahihirapan. Hirap din mamalengke/magrocery kasi all eyes sila sa mga binibili namin (madalas silang nakatambay sa labas ng pinto namin). Kung ako tatanungin, gusto ko bumukod completely kaya lang ayaw ni hubby. Hays. Any thoughts po mga momsh?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Semi ganyan din yung inlaws ko dati nasa iisang bahay kami may pgka pasimpleng pakialamera, pero laking pasalamat ko nalang nung dina natuloy ibenta ng mayari yung lupang binibili nila kapitbahay lang di naman, ayun napilitan silang magpatayo ng bahay sa malayo, imbyerna kasi talaga yung ganyan tipong kahit yunh hipag ko lang pag naggo grocery ako pinapakialaman isa isa yung nga items na pinamili ko hays kairita parang walang pinag aralan, to think na pkikialaman ng di sakanya. Hayaan mo na muna mga inlaws mo siguro tska ka nalang magsasabi sa asawa mo kung nasa punto na kayo nadedebalde na kayo magina. Observe observe kalang muna ngayon kasi mahirap din Ka misunderstanding yang mga inlaws nayan minsan. Timpi ka muna.

Magbasa pa