Going 28 weeks

Normal lang ba nakakaramdam ng lungkot sa pagbubuntis? Bukod kami ni hubby sa both parents namin at kasal na din. Nalulungkot lang ako kasi di man lang ako makamusta ng sarili kong magulang ni chat or tawag wala man lang..okay naman kami ng magulang ko. sa in laws ko din ganun din. Di ako lumalabas ng bahay, walang ibang nakakausap kundi si hubby lang. Yung mga kaibigan ko naman may mga sari sariling buhay na. Ang hirap ng ganito, feeling ko nagkaka anxiety na ko, nililimit ko din sarili ko sa ibang tao. Naguguilty ako kasi hindi na kami sumasama sa in laws ko sa tuwing may lakad kasi gusto ko lang maprotektahan si baby sa stress kasi nung last pregnancy ko hindi nagtuloy dahil panay gala at stress nun. Feeling ko may nasasabi na sakin in laws ko 🥺

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maku sis. hormones mo yan kaya ganyan.. better na ikaw ang maginitiate tumawag sa parents mo. wag mong hayaang sad ka everyday.. kasi nafifeel yan ng baby mo.. ako nasa bahay lang din (although may work ako pero nagleave na so stay at home ako since 7months at high risk kaya morw bedrest. di makalabas) 2 lang din kami ng hubby ko sa bahay namin. parents ko at inlaws ko nasa province. nalulungkot din ako pag ako lang magisa, ginagaw ako nagpapatugtog ako ng hapoy songs, nanonood ng masasaya, pag hapon tinatawagn ko mama at paoa ko pati mga kapatid ko.. minsna chinachat ko yung hipag ko at bestfriend ko, pag si baby ko gumagalaw, ayun kaming 2 ang naguusap.. marami kang pwedeng gawin kung gugustuhin mo lang. wag kang papatalo sa lungkot. may mga tao kais talaga na di sila palakumusta kung di ikaw ang unang magrereach out (parang mga inlaws ko ganyan kaya ako nagmemessage sa kanila minsan) kaya mo yan. naku Sis. enjoy mo lang lagi. be positive. at kung di ka naman maselan. nakakhelp yung maglakad ka sa labas, o magpaaraw sa umaga. nakakahappy yun.

Magbasa pa