Pinya bawal ba sa buntis?
Hi mga momsh ... 1st time soon to be mom here po.. Ask ko lng po kung ok lng b kumain ng pinya? saktong 4mos n po ako ngaun.. May mga sinabi po ksi na bawal dw pinya e nsasarapn po kasi ako doon.. Pero d nmn araw2.. saka po feeling ko maliit ung tummy ko for 4mos s tngin nio po ba? Salamat po .. Godbless to all of us po keep safe π
nakakatulong kasi magpalambot ng cervix ang pinya kaya pinagbabawal sya.. kasi baka nga makunan.. in my case, di ako sensitive magbuntis pero iniwasan ko nalang kahit don talaga ako naglilihi.. prevention is better than miscarriage. ngayon namang malapit na kong mag 8 months, naeexcite na kong makakain ng pinya sa 9th month ko π worth the wait naman eh. ganun din yung pagpipigil ko sa pagkain ng ubas at itlog na maalat π masyado kasi akong nagbababasa ng mga articles tungkol sa mga bawal kainin, at nakkwento ko sa asawa ko.. so ayun, bawal kung bawal. pero onting sakripisyo nalang para kay baby diba? π
Magbasa pasakin hindo nmn in-advice ni OB na bawal ang pinya. Pero dahil madalas ko nababasa ang isyu na yan, nagbasa din ako ng articles. Nakalagay nga dun na nakakapag pasoft nga daw ng cervix and may lead to early labor. Pero meron din akong nabasa na okay lang kumain ng pinya at mga pagkaing dati mo naman nakakain as long as in moderation, just "to satisfy your cravings" kung baga. Sabi nga anumanh sobra ay masama.
Magbasa paIf sensitive pregnancy ka po momsh better to avoid nalang.. In my case kasi 5 months nagcacrave ako ng pinya so ayun naubos ko apat na slice but wala nmang nangyari, and you can eat nman moderate lang momsh. And better to consult your ob before ka kumain for awareness na din..
https://theasianparent.page.link/7y3qtQpKTBaUiX19A Find a list of foods and which ones are safe to eat during pregnancy, after you give birth, while breastfeeding and to feed your baby, only on theAsianparent
Nakalagay kasi po sa mga article ang pinya nakaka nipis ng cervix na pwede mag cause ng preterm labor or makunan kaya hanggat maari nga daw sana iwasan po lalo na sa maselan mag preggy
nakain naman ako ng pinya, wag lang masosobrahan. btw, normal lang yan may mga maliliit talagang magbuntis lalo pag una. ganyan din ako ngayong kabuwanan ko na parang 6 months palang tiyan ko hahaha
pinagbabawal sakin ng OB ko ung pinya kahit takam na takam ako π nakaka pa soft kasi ng cervix. Tiis muna kain ka marami pagka malapit kana manganak.
mams hanapin nyo po sa fb si Doc Bev, isa po syang OB and madami po kayo matutunan lalo na about sa mga kasabihan kung totoo or hindi..
mas maliit pa po dyan ate yung tyan ko.pero mag 5mos na po ako.parang 2mos pa lang po yung tyan ko kung titingnan ea.
Not true po. Ako buong pregnancy ko halos araw araw ako nakain ng pinya, wala naman nangyari.