54 Replies
ako nag start na pag gising ko za umaga ang hirap igalaw ng darili ko sa kamay. .delayed period din . pero ako kasi lagi na na dedelay tapos di namn pla buntis . pero this pain, sakit balakang ko at singit ko
Sobrang sensitive sa amoy. Like may maamoy lang na mabaho, feeling ko nasusuka na ako 🤮 usually cravings din, kapag di ko nakuha cravings ko, di ko talaga siya tatantanan ng ilang days hanggang makain ko
ako mainit ulo ko s bf ko🤣🤣🤣 then d ko mapigilan sobrang galit s bf kp then nag pt nku kc wla nmn gaano gngwang mali bf ko eh galit n galit naku 🤣🤣🤣 then panay tlog nku 🤣🤣🤣
ako kasi regular menstruation ko pero bago ko mag PT ihi ng ihi minsan madami nalabas minsan kapatak, tapos sobrang nag aantok, tapos nag ttender yung breasts, iritable at mainit ang ulo lagi haha.
nahihilo po, craves sa specific foods, mood swing and ung ngphalata po tlaga is di po ako nkadumi almost 2weeks which lead na mgpacheck up ako😅😅.. then booom positive.. im with a baby❣
naging antukin ako, madalas naihi, parang magkakalagnat mataas body temperatura, laging pagkain nasa isip, lahat ng kinakain ko lasang mapait na gamot, nahihilo, parang laging byahilo,
Ayoko makaamoy ng Dried fish and mga pabango. ayoko rin makaamoy ng kumukulong mantika. Tinamad mag ayos and mag halfbath sa gabi. HAHAHA! nalaman kong preggy ako exactly 4 weeks..
Wala naman po. Delayed lang. Then after ko magPt at nalaman kong buntis ako ng mga 8weeks na, dun palang ngsimula ang pagsusuka at selan ko sa foods☺️
Iba iba po ata, sa akin po.. lost of taste ( akala ko may C19 po ako. 😂) yung pulse ko po mabilis..mahina katawan at bigla ako nagcrave ng ketchup.
Hi! Ang na experience ko po ay tamad kumilos, tanghali ng gumising tapos ihi ng ihi. Then medyo masakit ang puson at masakit ang dede.