54 Replies
ako po, nung hinihintay ko yung date ng dalaw ko. medyo sumasakit sakit puson ko at lagi ko din chinicheck kung meron na ba ako. hangang pinalipas ko ang 1week na delay ako. doon na ako nag pt.. dahil nahihilo at sumasakit sakit na din ang boobs ko. hangang sa sinisikmura na ako na hindi ko alam kung anong ka kainin ko. at doon na din nag simula yung pag susuka ko. sobrang nakakapanlabot at nag iinit yung katawan ko lalo na yung batok ko. at bigla nalang akong aantukin. hindi ko na din alam kung anong dapat kong kainin. ayoko din ng tubig. isinusuka ko lang ng isinusuka.iba din pakiramdam sa tiyan pag tubig iniinom ko. at lalong nag pahirap sakin yung pang amoy. ayoko ng bawang ayoko ng ginigisa or piniprito pati usok ng motor. sumasakit din dibdib ko. hindi ko alam kung hihikain ba ako or heartburn. sa mga momshies na nakakaramdam nito pa comment naman kung naramdaman niyo din yung pagsakit ng dibdib after mag suka.
ako po, nararamdaman kong laging gumegewang paligid ko, akala ko malabo lang mata ko..kaya lang kahit suot na salamin ko gumegewang ang paningin ko, tapos sumasakit dina ng dibdib ko na para ako nagkakaroon, nung nagPT ako nung unang araw ng missed period ko..Negative pa..kaya akala ko nagpapanibagong cycle, tapos 5 days na wala pa ren akong period nagPT ulit ako, una akala ko negative..nung pinagmasdan kong maigi..may sobrang labong line na lumitaw sa test line, kaya nagpabili ako ng branded na PT sa asawa ko, nagtake ako kinabukasan 1st urine, naconfirm, buntis akoπ₯°π₯°π₯°
,my early pregnancy symptoms is yung lasang kalawang lahat ng food and ang wierd ng food combination (like cheese and chocolate π),after a month delay ako ng 3 days biglang sumasakit puson ko na parang rereglahin, then after a week inantay ko d nman ako nag'karoon then i decided na mag'PT na.. ππayon positive sa PT.. πwhen we found out na preggy na pla ako ayon nag'simula na yung morning sickness ko hanggang end of 1st tri..
Ako wala di ko na napansin kasi mahalig naman talaga ako kumain, di rin ako nagsusuka pag may naaamoy lang ako na hindi pasok sa pangamoy ko tas lagi ko inaaway asawa ko kase ambaho kahit naligo na. Sakit lang boobs ko and nipples kala ko normal lang kase minsan talaga sinusumpong boobs ko. Irregular din ako pero yung pakiramdam ko sa araw araw hindi na tama kaya ayun nag pt ako nung nakaraang linggo takte positive HAHAHA
sakin kasi nalaman ko yung nadelay nako peru di ko kasi nararamdaman ang pag kasuka at hilo till now 15 weeks en 5days sa sya basta antukin lng ako en lumalaki lng tyan ko haha wala din akong crave crave na ya . π basta alam ko healthy si baby bawat checkup ko en ultrasound ko nyng feb 18. en ngayun my pag galaw lng sa loob minsan peru di ko parin sya ma feel sa labas ng tummy ko π€£
Ako feeling pagod,laging tulogπ nakasiksik kay mister inaamoy ung kili.kili. Sa umaga galit ako skanya tipong makita ko lang sya kumukulo na dugo ko tapus pag wala naman lagi ko hinahanap haha Lagi ko request sa mother in law ko ung langkang gata na my sardinas pero dpa ako aware na buntis na ko nun kasi ang alam ko delay lang akoπ ayoko din sa kanin nun kaya papak ako ng ulam.
Nung una grabe ako kumain ng Sardinas and pandesal or biscuit like nagigising asawa ko nakaupo ako sa dulo ng kama kumakain tapos nung ika 3 weeks na buntis ako bigla akong nagsusuka everytime na kumakain ako nun and pandesal tapos ayokong kumain sobrang onti kong kumain wala pa sa half rice kinakain ko basta umabot sa point na ayoko sa kanin π€£
laging tulog, galit sa partner at medyo mapili sa pagkain like konting kain lang mabubusog ka na saka galit ka sa mundo hanggang sa nalaman ko na 10weeks 5days na pala akong preggy hanggang 5months ko naranasan yung galit sa mundo lalo sa partner pero nag 6months puro gutom na as in mayat maya ngayon 7months nako gutom. pa dinπ
napansin q nman sakin mejo nahihilo parang gumagalaw paligid mu tpos na dudumi aq ng 5beses sa 1araw ππpero normal nmn pag dumi q.. tpos syempre binilang q dun kung ilang araw n late ung piriod q... kaya ayun pt agad 2lines agad nkita q so un ang sobra happy namin ni Mr. 8months n q ngayon at baby boyππππ
nung hindi ko pa Alam na buntis ako, super antukin at tulog ako ng tulog. kahit asawa ko napansin Yun Kasi work from home kami at mahilig akong mgtrabaho, pero napansin nyang palagi lang akong tulog π after that, nung confirmed preggy na ko, super sensitive smell Naman. wala na kong makain dahil lahat mabaho para sakin
Kristinejoy