ang hirap ?

Mga moms, pwede pa vent out lng nararamdaman? ? yung feeling na halos di ka inaalagaan ng mama mo after mo manganak? Yung asawa ko sa malayo kasi nagwowork, linggohan kung umuwi. So ako lng natira sa bahay namin. Pero dito lng din sa bahay ng mga magulang ko. Pag umuuwi asawa ko, inaalagaan nya ako, CS kasi ako. Mag to 2mos pa. Nilulutuan, lahat2. Pero yung mama ko, halos di nagluluto, ayaw labhan mga damit ni baby kahit nahihirapan pa ako. Ako na lng gumagawa lahat. Minsan din naman nagluluto xa, pero yung gusto mo sana maramdama mo na mama mo xa ngayon na panahon. Natatakot ako mabinat huhu. Kaya minsan ako na lng gumagawa lahat. Kahit nung nasa hospital pa ako, dumadalaw xa pero saglit lng. May dalang pagkain pero walang ulam, tinatamad daw xa magluto. Until di na cla pumupunta ng hospital para bisitahin ako. Umiyak talaga ako nun kasi di ko na feel na mahalaga ako. Kahit ngayon man lng na nanganak ako. Yung kahit man lng lutuan niya ako kahit ako na maglaba. Yun lng naman eh. At pag sasabihin ko na magwowork na ako pag 6mos ni baby, di daw xa mag aalaga sa apo nya bahala daw ako. Bakit ganun. Parang di ako anak. ? mabuti pa yung MIL ko, gusto nya dun daw kami para xa naman daw mag alaga sa apo nya at maglaba ng mga damit ni baby. Kahit nung sa hospital, xa nagbantay sakin whole night, pero mama ko di nagawa yun. Gusto ko dun magstay, pero bukid kasi dun, wala gaanong tubig. Kung malapit lng tlaga MIL ko, dun ako magsstay kasi dun, naalagaan ako. Haay sorry po kung mahaba. Mabigat lang kasi sa dibdib. ???

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Lipat ka na lang sa MIL mo mamsh kaysa nahihirapan ka dyan, sabi mo nga inaalagaan ka naman kaya kahit mahirap yung tubig i'm sure magagawan ng paraan yan. Kaysa dyan ka at nahihirapan, post partum depression abutin mo dyan. CS din ako, mag isa ko din inalaggan at inaalagaan anak ko kasi nanay ko may iba din pinagka abalahan. Sobrang naiiyak din ako pag inuuna niya yung iba kaysa sakin pero may taga laba naman kami so less gawain. Pero iba padin kasi pag aruga ka ng nanay mo kahit nanay kana rin. Iniisip ko na lang, mag isa din nanay ko nung naging ina siya at pito kami, kaya parang nahihiya ako mag reklamo. Nanay nadin kasi ako kaya dapat ko kayanin, kasi kinaya niya naman. Parang time nadin siguro na gawin niya yung bagay na gusto niya kasi tanda na namin, kung sasabihin ko sa kanya na alagaan niya apo niya, parang unfair sa kanya yun kasi di na rin niya responsibilidad. Kaya ako sayo lipat kana kay MIL mo, kung saan mas magaan para sayo, duon kana. Godbless! Laban lang.

Magbasa pa
5y ago

πŸ˜₯ opo. Nakakatampo lang kasi minsan. Kasi kahit man lng puntahan ako para kamustahin ng mama ko, hindi eh. Minsan nagpapadede ako ng tanghali, wala pa ako kain pero mama ko umaalis kasi nag totong its. Hapon na kung umuwi 😭 ako lng mag isa. Hindi ako demanding na tao, pero sana kahit ngayon lng. 😭😭

Nanganak ako na wala mama ko sa tabi ko, kapatid nya lg yung nandun para alagaan ako. Ngayon buntis ulit ako, ayaw nya man lg bumawi, nakiusap kme ng asawa ko if pwede samahan nya ako sa pangalawang oag bubuntis ko kaso wala, nandun sa boyfriend nya. Hays, gusto ko mag tanim ng galit pero nevermind, focus na lg kay baby

Magbasa pa