Mga moms, I badly need advice. Going 3 months na si LO. 1 week siya nahiwalay sa akin pagkapanganak dahil kailangan niya ma confine. Hindi kami nagkaroon ng chance ma introduce sa breastfeeding. pero nagpump na ako agad nun para meron mapadede sa kanya. kaso mahina na tlaga yung supply ko kaya bumibili kasi ng Pastuerized Breastmilk. then pag uwi ni LO nagtry na ako mag breastfeed kaso mahina talaga yung Milk kaya hindi sapat iyak pa din ng iyak. Nag decide na kami ni hubby na mag mix feed siya. Tuloy2 naman ako sa pagppump. kaso 1 - 2 oz lang nakukuha ko sa 2 breast na yun. ngayon 4 - 5oz na kada feed si LO. mas lamang tlaga yung Formula kesa Breastmilk. halos lahat ng supplement na try ko na. napa latch ko si LO sa akin nung 2 months na siya kaso 3 days lang ayaw na niya bigla. Nalulungkot ako kasi akala ko lalakas din milk ko eventually pero bakit ganun lalo humihina? Consistent naman ako na mag pump. ang dami ko ng supplements. Hindi ko alam kung anong ginagawa kong mali.