First time po namin ma encounter to

Hello mga moms , 4 months napo si LO gamit namin na milk is Bonna since yan ung milk nya nung nasa hospital sya since day 1. ang problema is di namin alam if sa milk ba to or sa ano, then last week nag pedia kami for rota, nagtanong nalang din kami tungkol dun ni receta samin na cream nasa picture po paubos na yung cream/ointment namuti naman pero bumabalik yung pagka red nya. gamit po namin na baby wash is cetapil dati nag switch kami sa aveeno since yun yung sabi ng pedia samin. Sana meron makatulong po salamat.

First time po namin ma encounter to
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mami, try to consult po ulit sa pedia niyo po na bumalik yung pula pula or pa-consult po sa derma. kay LO ko po ang 1st milk din namin bonna, pero napansin ko na namumula mula din ang balat then nagchange kami ng nestogen pero wala pang 2months may pula pula din siya umabot sa mukha hanggang sa braso, hita at tuhod. nagchange din kami ng baby wash from aveeno sensitive to cetaphil sensitive pero no effect kasi after 1week bumalik ulit yung pula pula. nag ask ako if pwede ma-allergy test si LO at ang sabi ng pedia bata pa para gawin, then inask din if may history po kami ng skin asthma, ezcema or any thing na skin disease and meron nga po ako. possible daw na meron din si LO dahil sa genes. then our pedia recommended mustela cicastela para sa face at cetaphil pro derma para sa katawan ni LO, then change din ng gatas from cows milk to hypoallergic NAN HA (or any brand na hypoallergic). nakakatrigger daw po kasi ng allergies yung cows milk at soya milk. then after 1week nakita namin agad yung result. umokay okay yung skin ni LO. pricey lang talaga mami pero worth it para kay LO. change din kami ng detergent ni hubby for our clothes from adult to baby detergent kasi isang trigger din daw po yun lalo na sobrang sensitive ng skin ni LO. sharing our experience lang po, in the end only your pedia po ang makakapagsabi if anong dapat gawin and your instinct mami.

Magbasa pa
Post reply image
4mo ago

if magcchange po kayo ng gatas unti untiin lang po muna hanggang masanay si LO sa lasa. may proper way sa net how to change new milk to old milk para iwas tae tae kay baby. we try first yung NAN HA as recommended mga 800g then nung humiyang kay LO tinuloy tuloy na rin namin. meron din pong S26, enfamil, hipp na mga HA check na lang din po yung price if ano po yung applicable sa inyo :) hoping na umokay si LO soon mami. ☺️🙏🏻

Try nio baby oilatum baby body /hair wash tapos lotion po physiogel po