OB clinic or Public Hospi

hello mga moms, 1st time mom here. nangyari na ba sainyo yung gusto niyong lumipat ng OB? altho okay naman yung OB ko pero kasi feeling namin is mahal siya maningil sa panganganak since private siya, kaya naman sana namin pero as much as possible dun tayo sa makakamura tayo. gusto ko sana lumipat sa public hospi. since sabi nila mas okay daw kung sa hospi. ako mag papacheckup monthly. kaya lang part of me hindi ko kayang i-let go yung OB ko or nahihiya lang ako magopen sakanya HAHAHA. any tips mga moms huhu salamaaaat :

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

12k naman bayad sa panganganak dto sa OB ko. Okay na yun ang mahalaga maaalagaan nya ako at pwede ko pa makasama sa delivery room asawa ko . Natry ko na sa public hospital sa una kong baby, premature birth sad to say hnd sya nabuhay kasi mahina pa lungs nya at wala pang incubator. At ang malala mag isa kong dinaramdam sa loob ung sakit at lungkot kasi bawal magpapasok ng bisita o bantay , bawal ang asawa. Naka 3 days din ako dun tas sa isang kama tatlo pa kaming nagsisiksikan dun bale pang lima yung dalawang baby na mga anak ng katabi ko. Bawal pa mag selpon ewan ko kung ganon din sa ibang public hospital, pero wala din nmn kmi binayaran non kase may philhealth at malasakit

Magbasa pa

Same situation mii..pero ako nagpa check-up na nung Sat. duon sa lilipatan kong OB before kasi Makati Med. tapos nung nalaman ng Ate ko naghanap sya ng Hospital kung saan mas makakatipid kami at malapit sa knya kasi sya lng Family ko dito sa Manila atleast maalagaan niya daw ako, so Ito na nga naka sched. Ako this Oct. 11 sasabihin ko nlng yung totoo na baka hnd namin kayanin manganak sa Makati Med. hehe private parin naman yung nilipatan ko ngayon pero medyo mas mura nasa kalahati din matipid namin, ayaw kasi ng Asawa ko public kasi First baby namin eto..Kaya Goodluck mii..tell the truth lng ui maiintndihan nila yan.

Magbasa pa

same here mii.. naka private ob din ako pag nagpapaccheck up,nung una ok lang sakin dahil nga 1st time mom ako,kaya mas gusto ko mas maalagaan kami ni baby,pero habang tumatagal,feeling ko ang mahal talaga nya maningil hahaha nahihiya din ako magsabi sakanya kase nagusap na kami about sa panganganak ko at sya yung doc. na magpapaanak skin๐Ÿ˜…

Magbasa pa

ako po public hospital ako pero 140k ++ ung bill ko, CS. kapag po nag charity kayo sa public hospital, asahan nyo po na hindi nyo makukuha ung asikaso na need nyo. and mahigpit po sa public hospital ngayun lalo na sa bantay. pag charity po hindi sila nagpapapasok ng bantay. pag hindi ka charity, don may asikaso ka, tsaka pwede ang bantay.

Magbasa pa

Mahal naman po talaga ang private, kasi hindi lang yung doctor ang binabayaran niyo jan kundi yung mga privileged na natatanggap niyo. Like always there, one call away sila. No need sa mahabang pila, priority ka nila. Sa public hospitals hindi naman po ganyan. Pero okay naman po manganak sa public hospitals dahil jan po ako nanganganak.

Magbasa pa

ung ob ko (private) di sya nag eexpect na doon din aq manga2nak. she's giving an option always. pero it's up to u tlga mie qng sa private or public ka manganak. Malaking bagay lng din tlga na kampante ka during ur check up sa ob mo.

okay naman cguro kahit private Yung OB. pwedi naman kahit sa public hospital ka manganak. choice mo yun

Magcanvass muna kayo sa OB at hospital. May mga packages naman silang binibigay

Same tayo mars.