Asking

Mga mommy’s totoo po ba na bawal himasin ng himasin ang tiyan? Dami pamahiin ng matatanda wag ko daw himasin ng himasin tiyan ko. Thank you po

Asking
42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bawal daw po sabi ni OB lalo kung maselan baka mapre labor daw po. Habang check up ako last friday hinihimas ko napagalitan pa ko 😅

pag ibang tao ang humihimas ako naiistress. lalo na si mama lola nya grabe makahimas🤣 pinipigilan ko yung di sya maooffend😁

Try ko nga itanong s ob ko ang gnyan..kc always ko rin hinihimas tummy ko..lalo n pg gumgalaw xa..ntutuwa kc ako..hehe

VIP Member

Sabi ng ob ko dati bawal daw himasin ng himasin lalo na sa mga maselan mag buntis kagaya ko premature po baby ko.

5y ago

Ahhh kasi pala may contractions kaya ganun payo ng ob mo mamsh hehehe

Bawal po kasi pwedeng humilab ang tyan at mag early labor. Pwede naman hawakan wag lang himasin ng himasin

Bawal nga daw po sabi ng ob ko..kc mag aalboroto daw si baby sa paglabas..baka daw po mapremature labor..

OMG ako lagi ko hinihimas pg kinakausap ko xa pati eldest ko at dada nila hinihimas nla at kinikiss..

Bawal kasi nakakapag induce yun ng labor, baka ma miscarriage ka,.. yun yon,.. hindi pamahiin,..

bawal poh at bababa c baby.. mapaanak ala sa oras.. pag labas niya mommy na lang

Actually OB din nagsuggest na wag himasin kasi it might trigger contractions.