himas
bakit po bawal himas himasin ang tiyan kapag gumagalaw c baby? bawal daw po lagi hinahawakan ang tiyan totoo po ba?
Sabi kasi nila magkakacontraction daw un. Pero kasi ako lagi kong hinahawakan tyan ko lalo na pag naglilikot si baby ang interpretation ko kasi sa paggalaw galaw nya sa tyan ko is kinukuha nya attention ko 😅 madalas ko syang nararamdamang gumalaw pag kumakain ako, pag nag ccellphone ako at pagbuhat ko ung baby(1 month old) ng kaibigan ko . Kaya pag gagalaw sya kinakausap ko like pag kumakain ako tinatanong ko kung gusto nya ba ung kinakain ko 😅😅.
Magbasa paSabi nila nacocontract daw kasi yung tiyan ng mommy kaya bawal. Ako naman up until now hinihimas himas ko parin si baby lalu na.kapag inistretch niya yung kamay at paa niya sa tiyan ko tapos kapag hinahaplos ko kung nasaan nakikipag laro din siya. 🤭😍🤰🏻 Iniiba-iba niya puwesto ng kamao niya tapos hahabulin ko. Haha
Magbasa paNai stimulate po kasi yung contractions. I remember at almost 13wks na enjoy ako kakakauap kay baby, habang hinihimas tayn ko at nagpapatugtog ng classical music. Kinabukasan nagspotting ako and super contracted uterus ko. Grabe yung takot ko kaya since then maingat na ako.
Hindi po kasi simula palang malaman ko na buntis ako hanggang ngayon na 35 weeks na ako lagi lagi ko hinihimas bonding na rin daw ninyo ni baby yun kasi nadadama nila yung haplos natin. Wala naman naging problema sa kakahaplos ko.
As per my nurse, wag lang dalasan na himasin kasi ang tendency is maninigas ang tiyan. Pwede mag open yung cervix mo. Pwede ka naman makipagcommunicate sa baby mo nang hindi masyadong hinihimas ang tiyan.
Okay naman kung hahawakan mo yung tiyan mo from time to time lalo na kung gumagalaw si baby kasi nakakatuwa nga naman. Ang ginagawa ko is, hahawakan ko lang tiyan ko tas kakausapin ko si baby. Konting haplos tapos usap. Maririnig ka naman niya. 💕
Puwede naman po hawakan ang tummy. Ang hindi po ina-advice yung parating hinihimas-himas kasi nakaka-cause po yun ng contractions. Binilin din po yun ng OB ko nung buntis ako.
Ung pag sakit po sa left side ng vagina normal lang po ba un? Ung tipong ang bigat nia po dun sa part na un
Hindi ko naman hinihimas tummy ko, pinapatong ko lang ang kamay ko sa ibabaw ng tyan ko. Tapos mayamaya mararamdam ko na paggalaw niya. Bawal rin po ba yun? I'm 4 months and 2 weeks
Baka po kasabigan ng matatanda, nung preggy po ako madalas kong himasin ang tyan ko lalo na kapag nagalw..kinkausap ko din para iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal
Hi momshiee, sabi ng OB ko wag masyado himasin ang tiyan kasi parang naiinvite yung contraction. if gusto daw mafeel si baby patong lang daw yung kamay. 😊
salamat po 😍
Ewan ko lang po, wala kasi nababanggit mother ko and OB ko about dun, tsaka pag umuumbok po kasi si baby hinihimas ko agad para di na manigas tiyan ko.
My World, My Baby, My God, My Doctor