Malaking tyan

Hi mga mommy tanong ko lang pag nanganak ba tayo babalik ulit sa dati yung laki ng tyan natin? may nakita kasi akong mommy kanina kakapanganak lang nya and ang laki pa rin ng tyan nya oarang preggy pa rin.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po agad babalik dahil it takes 6 weeks bago mag shrink at bumalik sa normal na size ang uterus po.. And kapag breastfeeding ka ganun parin dahil need mo kumain madami para mafeed mg baby yung nutrition.. Okay lng lumaki yung tiyan dahil hindi matatawaran ang benefits ng breastmilk sayo at kay baby

Magbasa pa

7 years old na ang son ko pero parang 5 months preggy pa din. From 26 inches waistline to 31 inches, 48 kilos to 68 kilos. Kung hindi man bumalik ang dating figure mo, don't be sad. Alalahanin mo na lang na lahat yan ay isinakripisyo mo para sa anak mo.

VIP Member

Kung kakapanganak nya palang hndi pa babalik agad yung liit ng tyan nya, remember nabatak ng sobra yung tyan natin kaya hndi yan mawawala na parang magic.it takes weeks or months bago mawala yung tyan specially yung parang lumawlaw na tyan

Babalik naman. Ako nung nanganak ako nuon pgka lapag nila kay baby sa dibdib ko hinawakan ko ka agad tiyan ko and napansin ko na lumiit talaga, mas lumiit pa sa normal kong tiyan nung di pa ako buntis. Siguro dahil maliit lng din tummy ko.

Ganun talaga mamsh kasi yung uterus mo hindi pa babalik sa dating size. It takes 4-6 weeks bago bumalik ng tuluyan sa size nya yung uterus. Ako mamsh 1month and 1 week na si lo ko medyo lumiliit na din tyan ko.

VIP Member

Ung iba po kasing tyan may halong taba kaya di masyado napapansin kung may baby pa ba talaga ung tyan or wala na. Kung purong baby po siguro un tyan dun impis po siguro talaga un after lumabas ni baby 😊

VIP Member

It depends po sa katawan natin. Meron kaseng ibang mommies biglang liit ng tyan kahit days palang ang nalipas pagkaanak meron ding hindi na ganun kalaki ang pagliit nagsstay nlng sa laki ng tyan

Yes babalik din yan, mas mabilis makarecover ang size natin kung magbibreast feed ka.. tas fruits and vegies kahit ala na exercise kasi pag aalaga palang ke baby exercise na..

Yes sakin bumalik agad nung pag katapos ko manganak . Try mo warm water with salt and 1pcs kalamansi morning afternoon evening effective din yun moms

6y ago

thank you 😊

with my 2nd baby parang buntis pa din ako after manganak.. 17 months na si baby tinutukso pa din ako na naiwan raw ang kakambal sa tyan ko ☺️