Bakit po kaya ganito
Hi mga mommy, sobrang takot ako ngayon, kakagising ko lang pero parang normal na gising, same nung di ako buntis. Hndi masakit likod ko, binti ko, tyan ko, di ko maramdaman kung nagalaw ang baby ko sa loob ng tyan. Napaparanoid po ako. mag 5 months na kong preggy. Kahapon po before mag sleep, sobrang pagod ako at sakit ng katawan kasi galing ako sa work, bago ako matulog, masakit katawan ko, saka chineck ko heartbeat ni bb kasi may doppler ako (ung local lng po, mdalas di ko naririnig heartbeat), di ko marinig, iniisip ko baka tulog lng si bb sa loob. Ngayon pagkagising ko, expected ko masakit lahat saka may fatigue ako pero wala po tlga. Natatakot tuloy ako na baka napano na si baby sa loob ng tyan ko ?