Scabies or ??

Mga mommy sino po dito nkaexperience na ng scabies? Ganto rin po ba yung sa inyo? Kasi naligo po kami ng dagat nung saturday, April 9. Maghapon po halos naglaro sa dagat yung 2 years old ko. Tapos pagkasunday nilagnat sya, then monday ng gabi nawala lagnat nya may lumabas naman na mga pantal. Wednesday po pinakonsulta namin sya, sabi ng doctor scabies daw. Nakuha nya daw sa buhangin. Isip ko din nung time na naligo kasi kami, hindi sya agad nabanlawan dahil naubusan ng tubig dun sa niliguan namin dahil sobrang dami naligo nung time na yun. Sabi naman dto samin, hindi daw scabies/galis yun, baka nakuha nya daw sa dagat sa mga lusay/sea grass kasi makati daw yun. Tsaka sabi po nila sobrang kati daw yung scabies. Sa LO ko naman, hindi nya iniinda. Di rin sya panay ang kamot. Hindi sya nangangati kahit sa gabi po mahimbing ang tulog nya hindi sya kamot ng kamot. Kaya mejo naguguluhan ako pero yun reseta naman ng doctor, pinapainom ko sa kanya. Paadvice naman po ako kung sino may same experience. 😢😢 Naaawa ako kay baby, sensitive masyado po skin nya. Kahit kagat lang ng lamok, namamaga na po kaagad at matagal mawala. 😟😟#pleasehelp #advicepls #1stimemom

Scabies or ??
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dalhin niyo na po sa pedia. Kasi mas alam po ni pedia ang iaadvice for medications mahirap po dito dahil iba iba ang suggestions ng mga mommies sensitive pa po ang skin niyan baka mas lumala. Mas maganda sa expert na po.

4y ago

Kaso po ang nabasa ko kasi sa scabies, intense itching daw po ang main symptoms. Kabaliktaran po sa kanya, di po sya kamot ng kamot.