8 years gap

Mga mommy sino po dito ang medyo malayo po ang gap ng panganganak? I already have 3 kids pero 2 years lang ang gap nila. And unexpectedly, may blessing na dumating samin now. I'm currently 36 weeks and I'm too curious and worried what to expect after 8 years kung pano ang labor ko ngayon and mdyo may edad na rin ako now. With my 3rd child madali lang labor ko dahil magkakasunod lang sila. Ano po experience niu mga mommy?

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mumsh, ako naman 35 yrs old na nagyon, panganay ko ay 8 yrs old and currently 4 months pregnant ako, mahirap nga nagyon hehe medjo naging maselan aq sa pagkain,sa amoy, at mabilis na mapagud, di gaya dati first pregnancy ko ndi naman aq naging maselan at normal del ko ung anak ko, ppray nalang aq araw araw na na sana maging ok ang lahat at maging healthy lang kami pareho ni baby, sobrang challenging nagyon hehe.ang kagandahan naman ay nkkpagpahinga aq kasi ung panganay ko malaki na ako naman ang inaalagaan hehe..kea kaya natin to mumsh 🤱🏻🤱🏻 pray lang tau always and stay safe po tayo palagi 🙏🏻❤️

Magbasa pa

Thank you po mga momsh sa pag share niu ng mga stories niyo😊 d ako nagiisa. Nagkataon pang pandemic ngayon kaya hindi ako regular na nakakapunta sa hospital for checkup kaya mdyo natatakot talaga ako. Pero dahil sa mga sagot niyo lalong naging strong loob ko. Mga "mother" tayo, first of all tayo ang dapat maging matatag during this period of time🙂 thank you mga mommy😊

Magbasa pa

My eldest is 10 and yung twins ko is 9yrs old 2yrs back nakunan ako ngayon naman im 37 weeks pregnant nakakapanibago naging maselan ako ngayon sa pinagbubuntis ko😔napakahirap lahat ng di ko naranasan sa 3kids ko ngayon ko naranasan ng bonggang bongga... talagang back to zero ka kaya talagang tyagaan 😔😔

Magbasa pa
VIP Member

Same po tayu... Nkwento q sa o.b q na sa 1st and second baby q ay madali aq maglabor kaya inexpected na nya na ganun din sa 3rd baby q pero nung nglalabor na po aq isang araw aq nsa labor room 3x aq ininjected pampahilab sabi nya eh "akala q bang madli kalang maglabor?" ☺️☺️☺️

5y ago

Ineexpect nga din ng family ko na madali lang akong manganganak due sa past births ko. Pero d lang nila alam matindi na nerbyos ko ngayon dahil alam kong d parepareho ang childbirths. Dinadaan ko na lang talaga sa prayers..

Same tayo 8 years din pagitan sa last ko, mas mabilis yung pag lalabor and panganganak ko dito sa last ko. Kaso the pregnancy itself ang hirap, 7 mos akong may morning sickness, 8th month ko muntikan pa ko mapa anak ng maaga 😅 pero so far ok naman lahat, nanganak ako 39 weeks 4 days.

5y ago

Mabilis din pala labor ko, magdamag akong naglalabor na 5 mins ang pagitan ng hilab pero tolerable naman, then nung morning nagpunta na kami sa lying in around 8am 5cm na ko nun nilagyan na ko suero then antay konti after 30 mins 7cm na ko, ilang mins lang feeling ko na jejebs na ko lumabas si baby ng 9:28 am ☺️

ako po 16yrs and 39yrs old na medyo mahirap ang pagbbuntis ko talaga ngayon at medyo takot dahil sobrang tagal na.. pero sana maging ok namn ang lahat, lahat ng di ko naranasan dati narranasan ko ngayon 😊always pray lang tau mga momsh.. kaya natin toh

Ako po momsh 9 yrs bago ko nasundan bunso ko.33 yrs old plang ako now pero grabe mas mahirap ngaun dto.lahat na ng kaartihan sa pagbubuntis now ko lang naranasan.dun sa nauna kong dalwa 20 yrs old at 23 yrs old plang ako nun sobrang normal at lakas ko.

5y ago

Ung feeling na nanganak na ako ng 3 pero parang FTM mom ako uli. Lagi akong nagbbrowse sa app na to para matuto uli😊

VIP Member

Aq nga 18 years gap sa bunso q ni ndi qna alam qng pano q ngdala ng baby dati kc npakatgal na pero dq iniisip na mahihirapan aq kc alam q nmn sa srili q malakas pa din aq sa age of 36 kaya q yan🙏🏻😊36 weeks nq ngyon💜

VIP Member

Ako po mommy 3 na anak ko 11 yrs ang bunso,tapos binigyan pa kami ng blessing madali lang po ako nanganak at nag buntis sa 3 kong anak ngayon po nahirapan ako lagi ako dinudugo at maaga lumabas c baby...premature sya 34 weeks ako nanganak..

5y ago

Mas malayo ang age gap sayo mommy. Mdyo naging maselan din ako now di katulad before

Tulad Tayo sis..8 yrs age gap I'm 15 weeks preggy..madali Lang din aq naglabor dun SA Una..Ngayon parang kinakabahan na.sana ganon din tulad Ng Una..hirap aq SA paglilihi tulad SA Una..may uti din..huhu